Friday , November 22 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

Kahit iniintriga
Direk Joey masaya sa resulta ng MMFF

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI namin natiis, sa mediacon ng Karinyo Brutal ng Vivamax na siya ang direktor,  na hindi itanong kay direk Joey Reyes ang kanyang take o opinyon sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2023.

Kabilang kasi si direk Joey sa mga hurado ng MMFF kaya alam namin na may karapatan siyang magsalita tungkol sa film festival.

Juror ako,” panimula niyang sinabi,  “yung mga paratang na may campaigning, may namili, kapag nakita niyo naman ‘yung listahan ng jurors…

“Si Chito Roño, mabibili mo? Si Lorna Tolentino, mabibili mo? Si Lee Meily, mabibili mo? Si Tara Illenberger, mabibili mo?

Maaaring hindi nagustuhan ng mga tao ‘yung resulta ng mga nanalo, pero iyon ang lumabas sa tabulasyon.

“Ni kaming jurors, hindi namin alam kung sino ang nanalo dahil secret balloting ang ginawa sa final voting.

“Ang nakaaalam lang, si Lorna, si Chito, at ang MMDA dahil sila lang ang naroroon nang binuksan ang envelopes.

“Kaya maski kaming mga juror, nagugulat kami sa ibang winners.

“At saka mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres y medya ng hapon, nagdedebate kami kung sino ‘yung mga gusto namin.

“Dyusko, at saka si Chito Roño ang chairman, ‘di ba? Contest sila ng patarayan ni Joel Lamangan, ‘di ba?

“Ganoon lang talaga lumabas ang resulta.

“At ako, bilang juror, maski ako nagulat sa ibang nanalo, pero we have to respect the decision of the majority of those who voted in the jury.

And those who sat in the jury, hindi naman mga puchu-puchu, ‘di ba? These are people who are respected in that industry,” lahad pa ni direk Joey.

Kahit may mga nang-iintriga, kahit may mga nagtatanong, kahit may mga mema lang o walang magawa, ang mahalaga ay kumita ng bongg, ng bilyong piso ang MMFF, at masaya si direk Joey.

Hudyat kasi ito na buhay na muli ang industriya ng sine dahil sa pagbabalik ng mga Filipino sa panonood ng pelikulang Tagalog.

Masaya ako at kumita ang MMFF. Kung sino man ang nanalo, kung sino ang talo is irrelevant.

“Ang importante, kumita ang Metro Manila Film Festival, dinumog ng mga tao at nanood sila ng sine, at sana ma-maintain natin ‘yan.

“At hindi nangyayari ‘yan tuwing Disyembre lamang dahil kailangang-kailangan natin na mabuhay muli ang industriya.”

Samantala, ang Karinyo Brutal ng Vivamax ay pinagbibidahan nina Apple Dy at Maebelle Medina kasama sina Aries Go, Armani Hector, Ghion Espinosa, at Benz Sangalang.

About Rommel Gonzales

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …