Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang muling rumesbak sa nega comment ng mga netizen

PINATULAN na naman ni Pokwang ang kanyang bashers matapos mabasa ang ilang comments patungkol sa kanila ng dating live-in partner na si  Lee O’Brian.

Hindi pinalampas ng mahusay na komedyana ang mga pinagsasabi ng ilang netizens about her and Lee, pati na rin sa kanilang anak na si Malia.

Sinagot ni Pokey ang ilang bashers, na nag-post ng comments sa lumang Instagram post ni Lee, na makikita ang muling pagkikita nila ng anak kay Pokwang na si Malia noong November 27.

May isang netizen na nagsabing wala raw namana si Malia sa itsura ni Pokwang, dahil lahat ng physical features ng bata ay mula kay Lee.

She didnt take after her mom even a bit in her physical appearance.. she looks very much like you,”ang buong comment ng IG follower ni Lee.

Ito naman ang resbak ni Pokwang sa kanya, “So ano ngayon? ako ang bumuhay dyan gaga! yang ama semilya lang. sabihin ko kaya sayo yan? na ang nanay mo ay walang silbi semilya ka lang ng tatay mo kaya dapat magpasalamat sya!”

Komento ng isa pang netizen, “Ng dahil sa daddy may anak ka.”

Binuweltahan din siya ni Pokey, “Yan ang pinaka BOBONG OPINYON TANGA! magpasalamat? saan? na ako bumuhay lahat? GAGA KA? iyak na kayo mga tangahanga nyan bwahahahahaha lapit na!!!!”

May isang netizen naman ang nanawagan na tigilan na ang mga kanegahang posts. Pinagsabihan din niya ang IG followers ni Lee na huwag nang laitin at bastusin si Pokwang.

Stop being negative buti nga pumayag na si @itspokwang27 wag nyo ng sulsulan pa yung mag ex ok na yan na civil at tahimik silang 2 lalo na si pokwang.

“Hayaan nating kahit bigyan ng chance na makapag bonding lee and malia. Wag nyong sirain yung moment. And to @leeobrian can you restrain the negative comments about your ex. So she can feel a little better,” pakiusap ng netizen.

Hirit na sagot naman ni Pokwang, “Ay NO gusto nya yan! Haahaahaha!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …