I-FLEX
ni Jun Nardo
NGITING-TAGUMPAY ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil umabot na sa mahigit P700-M ang kinita ng 2023 Metro Manila Film Festival ayon sa reports.
Of course, wala pang official report sa resulta ng festival kahit naglalabasan na sa social media ang figures na kinita ng pelikulang Rewind na umabot na raw sa P300-M plus, huh!
Malayong second placer ang Mallari ni Piolo Pascual at third placer ang GomBurZa. Ikaapat ang Firefly at labo-labo na sa fifth hanggang 10th place.
Tinataya ngang ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang highest grossing film ng 2023.
Pinasok man sa sinehan ang MMFF, abangan natin kung ganyan din ang magiging kapalaran ng local movies na ipalalabas after MMFF sa January 7.