Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tonz Are Angelica Piscasio

Tonz Are muling sumungkit ng Best Actor award

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THANKFUL ang mahusay na actor/director na si Tonz Are dahil last month ay muli siyang sumungkit ng award.

Kuwento niya sa amin, “Nanalo akong Best Actor sa TBON QC-Manila Overall noong Dec 12, 2023. Bale, five days ito bago ang birthday ko.

“Ito ay content po na ipinapalabas online everyday, iba’t ibang content po ang Tbon QC, Sinematik, The Bill out Night. Over-all ay nasa 30 plus na pong Best Actor awards ko ito, kasama ang mga pang-film festival ko na movies, local and abroad.”

Sinabi niya ang reaction nang nalaman na nominado siya rito. “Ang naging reaction ko, speechless ako… hindi ko po kasi expected na mananalo ako. Na-late pa ako noong time na iyon, kasi galing din ako sa isang event. Tapos noong tinawag name ko, nagulat ako kasi marami rin talagang magagaling na Tbon artist.

“Pero I’m so blessed and happy, kasi before my birthday nanalo akong Best Actor. Big birthday gift sa akin ni Lord iyon.”

Dagdag ni Tonz, “Thankful ako sa mga taong sumusuporta sa akin, specially my family, my Daydreamerbabies and Daydreamer Entertainment production. Thankful din ako sa Tbon Family na naging tahanan ko na rin and nagpapasalamat ako kay sir Di Mike, mam Jhana, sir Miji… Sa mga naging direktor ko like direk Franz, direk Regor, direk BJ, direk Gon, sir Niel, sir Anthony, kuya Roel at sa mga co-actors ko sa Tbon family.

Nabanggit din niya ang pinagkakaabalahan ngayon.

Aniya, “Ang pinagkakaabalahan ko now is iyong sa Tbon, regular actor kasi ako rito and GMA-7, The 700 Club Asia-Mondays to Fridays, 12 midnight, regular din ako roon.

“Abangan din nila soon ang movie kong Ani and Speranza na both full movie, ako po ang ang writer, director, and actor doon,” saad ni Tonz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …