Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Quinn Carrillo Haslers viva

Marco at Angelica hirap sa pagpapa-sexy

RATED R
ni Rommel Gonzales

FROM Viva Films, segue tayo sa Vivamax.

Tinanong namin ang isa sa mga bidang aktres ng Haslers, si Angelica Cervantes kung saan siya mas nahihirapan, sa pag-iyak sa harap ng kamera o sa paghuhubad bilang isang Vivamax female star?

Lahad ni Angelica, “Ako po both, honestly…actually… kasi ‘yung nag-throw kami ng ideas kay Ate Quinn, tinanong niya, ‘Sino rito ‘yung topless lang, ayaw ng love scene?’

“Sabi ko, ‘Ako ‘yun, ako na po ‘yun.’ So noong sinabi po ni direk kanina na parang may ini-request siya na i-add na scenes, medyo nag-hesitate po ako kasi wala nga po sa script.

“Eh since ikagaganda naman daw po ng story, ‘Okay, sige papayag na po ako.’ At saka mayroon pong isang araw na puro lang po kami iyak tapos ang sinasabi nila sa akin, ‘Anong nangyayari sa iyo? Hindi ka na naubusan ng luha.’

“Tapos pag-uwi ko po medyo masama po ‘yung pakiramdam ko.”

So ano nga ang mas mahirap para kay Angelica?

Hubad po,” pakli ng dalaga.

Ang Haslers ay napapanood sa Vivamax simula December 8, 2023.

Nasa cast din sina Denise Esteban, Hershie de Leon, Quinn Carrillo (na siyang scriptwriter), Calvin Reyes, at Marco Gomez, sa direksiyon ni Jose Abdel Langit.

Speaking of Marco, sa tanong din kung saan siya mas nahirapan, “Para siguro sa akin mas mahihirapan ako ‘pag sa sexy kays umiyak,” tugon ng Vivamax male star.

“Kasi iyakin naman ako eh, so hindi naman ako mahihirapan.

Pero sa sexy sobrang ano ‘yun eh, sobrang sensitive ‘yung eksena, tapos siyempre gusto namin na one take lang or two takes lang if ever, well iyon, mahirap ‘yun.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …