Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janna Dee FPJ

Janna Dee, wish maging babaeng FPJ!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IDOL ng aktres-producer na si Janna Dee ang Action King na si Fernando Poe Jr. Kaya naman ang mga pelikulang ginagawa niya ay mga hitik din sa aksiyon.

Aabangan very soon ang pelikulang Ang Babaeng Ayaw Mamatay. Bukod kay Janna, ang mga makakasama sa naturang pelikula ay sina Diego Salvador, BPM, James, Shirly, Ivan Co, at marami pang iba. Si Diego ang magiging mortal na kaaway dito ni Ms. Janna.

Nakahuntahan namin si Ms. Janna last Tuesday sa gitna ng kanilang ginanap na audition para sa karagdagang casts ng pelikulang Ang Babaeng Ayaw Mamatay na hatid ng Inding-Indie Film Production at Janna Dee Production, sa direksiyon ni Ron Sapinoso. 

Pahayag niya, “Nag-eenjoy akong gumawa ng action movies, dahil mahilig talaga ako sa action. At saka maganda na action movie na may mapupulot na aral ang moviegoers.

“Idol ko talaga si Fernando Poe Jr, kaya nang gumawa ako ng movie, action talaga. Gusto ko sana na ako ang magiging babaeng counterpart ni FPJ, bilang action star. Makikita mo kasi sa movie niya iyong aral, iyong kabutihan na nangingibabaw, ma-action ang movie ni FPJ at tagapagtanggol siya ng mga naaapi,” wika pa ni Janna.

Bilang preparation sa pelikulang ito ay nag-ensayo ulit si Ms. Janna sa paghawak ng baril, arnis, nagbabad sa gym, nag-workshop, at iba pa.

Anyway, nauna rito ay nagkaroon ng contract signing at dinaluhan ito ng production staff. Ang proyekto ay inaasahang magsisimula sa paggiling ng kamera ngayong Disyembre hanggang Pebrero 2024.

Ang pangunahing layunin ng proyektong ito ay tumulong sa mga taong may kapansanan at mga nasa kahirapan. Nais din ni Ms. Janna na maging kilala bilang Philippine Action Queen sa independent film.

Si Direk Ron na kilalang manunulat at direktor, ang siya rin sumulat ng kuwento. Si Direk Ryan Manuel Favis naman ang executive producer, na magbibigay-buhay sa konsepto ng proyekto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …