Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PA
ni Rommel Placente

NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng young actress. 

Isa na nga rito ang sinasabing siya ang dahilan kung bakit naghiwalay na umano  sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, although wala pa namang kompirmasyon na break na nga ang KathNiel.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang opinyon/saloobin hinggil sa pinagdaraanan ni Andrea.

Sabi ni Manay Lolit, “Salve alam mo bang naawa ko kay Andrea Brillantes dahil sa mga sinasabi at iniisip ng mga tao sa kanya. Iyon bang tumatak na iyon mga controversy na nagawa niya at ngayon tuloy iniisip nila na ganuon nga talaga si Andrea sa tunay na buhay.”

Ngunit sa kabila raw ng ng kontrobersiyang kinakaharap nito ay nakatulong pa sa “personalidad” ng dalaga.

Pero siguro iyon controversy na iyon ang nagbigay ‘hotness’ sa personality niya. Alam mo bang crush siya ng mga teenagers na lalaki at para sa kanila siya ang pinaka ‘yummy’ youngstar sa ngayon,” pagpapatuloy pa ni Lolit.

Parang naging way pa para isipin ng mga teenagers na very hot at liberal si Andrea kaya number 1 sa listahan ng mga crush nilang youngstars. Iba din dating niya niya, parang young boldstar na pang teeners. Kaya naman very yummy siya sa mga mata ng mga kabataan,” sey pa ni Lolit.

Samantala, hiling naman ni Manay Lolit na sana sa totoong buhay ay hindi totoong wild ang imahe ni Andrea.

Sana nga hindi sa totoong buhay ang mga pagiging wild ng image ni Andrea dahil sayang. Isa siya sa pinaka-promising na youngstar sa ngayon. Maganda at talented kaya naman crush ng bayan. Bongga ‘di bah Salve at Gorgy,” hirit pa ni Lolit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …