ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Qweendom ang pinakabagong International Girl Group mula sa Filipinas na may limang miyembro. Sila’y sina Reign, Leo, Arya, Krysia at Cali na nasa pamamahala ni Hazel Desu.
Ang bagong girl group na ito ay nakakukuha ng atensiyon dahil sa kanilang kahanga-hangang background bilang mga dating trainees mula sa JW Entertainment, isa sa malalaking ahensiya sa South Korean music entertainment industry.
Ipinakikilala ang mga miyembro ng Qweendom PH, ang pinakabagong girl group ng Bayan. Lahat sila ay handa na upang maakit ang madla. habang dinadala ang kanilang talento at hilig sa entablado, na magbibigay ng bagong panlasa sa industriya ng musika.
Wika ng manager nilang si Hazel Desu, “Samahan kami sa pagtanggap sa pambihirang grupong ito ng mahuhusay na performer sa mundo ng musika! July 30, 2023 nang ini-launch ang kanilang Facebook Page na Qweendom Ph. at doon nagpaabang ng mga shortclip teaser ng kanilang mga background at isa-isa, bawat araw ang pag-reveal sa bawat miyembro.
“Nakakuha naman ng atensiyon at puso ng masa at inabangang Ppop Fan. Narito ang meaning at Goal ng Qweendom, Qweendom An empire represented by the Queens of all performers. The characters; Arya, Reign, Leo, Cali, Krysia Regal. Majestic. Powerful. Exquisite.
“They are the fairest maidens in all the queendom. Based from our characters, zodiac signs, auras and personalities Qweendom’s goal is to empower people; to boost their confidence and encourage everyone to love themselves despite of challenges, hardships and abuses from their past. Qweendom aims to help those suffering from depression and anxiety. We are not healers, but we want to mend their wounds with our music.”
Esplika pa niya, “We are here to inspire success and spread happiness. This is Qweendom! Isang imperyo na kinakatawan ng mga reyna, makapangyarihan. Napakaganda. Sila ang pinakamagagandang dalaga sa lahat ng reyna. Batay sa aming mga karakter, zodiac signs, aura at personalidad.
“Ang layunin ng Qweendom ay bigyang kapangyarihan ang mga tao; upang palakasin ang kanilang kompiyansa at hikayatin ang lahat na mahalin ang kanilang sarili sa kabila ng mga hamon, paghihirap at pang-aabuso mula sa kanilang nakaraan. Nilalayon ng Qweendom na tulungan ang mga dumaranas ng depresyon at pagkabalisa.
“Hindi kami mga manggagamot, ngunit gusto naming ayusin ang kanilang mga sugat gamit ang aming musika. Narito kami upang magbigay ng inspirasyon sa tagumpay at magpalaganap ng kaligayahan,” esplika niyang muli.
Ano ang masasabi niya sa grupong ito?
“Marami silang pinagdaanan, galing sila sa iba’t ibang grupo. Hindi sila sumusuko hangga’t di nakakamit ang tagumpay na makilala sa mundo ng musika,” wika ng kanilang manager.
Sunod-sunod ang events at guesting ng grupo at ang Qweendom ay nominado sa PPop Awards bilang Promising Group of The Year.