Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca tagakalma ni Ruru

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Ruru Madrid sa mediacon ng bagong action series ng GMA 7 na Black Rider, na siya ang pangunahing bida, nagkuwento siya tungkol sa five years na relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali. Marami na silang pinagdaanan na mas nagpatatag sa kanilang pagsasama.

Sabi ni Ruru, “Before kasi, when we were starting, Bianca kasi was an introvert. Sometimes, kapag may mga problema siya, kinikimkim niya. Hindi niya sinasabi sa akin. Ang tendency, lumalaki na pala ang problema.

“So I guess, natutunan naming dalawa kung paano pag-usapan ang mga bagay. Like for example, nagkaroon kami ng problema, bago matapos ang gabi, kailangan naming pag-usapan ‘yan para at least, okay.

Ako ang mas madaldal sa relationship. So, parang ako ‘yung mas nag-o-open up. I can see ‘yung effort din ni Bianca pagdating sa mga ganoon.

“Nag-o-open up na rin siya. Siya ang magsisimula ng usapan pagdating sa mga nagiging problema naming dalawa. So ‘yun, parehas. Parehas kaming nag-mature pagdating sa mga bagay na dapat kaming mag-mature.

“I mean, before, wala akong preno. Talagang walang stop. Siya ‘yung nagpapakalma sa akin. Tapos si Bianca naman, sobrang tahimik. Ako naman ang nagpapadaldal sa kanya.

“Mas naging palangiti siya, mas bumabati siya sa mga tao. So, mas nagtutulungan kaming dalawa.

“Kahit na hindi kami magkatrabaho, I know na may naitutulong at naidudulot kaming maganda sa bawat isa,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …