RATED R
ni Rommel Gonzales
MULING inalala ng Kapuso Network ang batikang broadcaster na si Mike Enriquez sa GMA Christmas Station ID ngayong taon.
Tampok sa temang #FeelingBlessedNgayongPasko ang mga taong nagsilbing blessing sa kanilang kapwa. Kabilang na riyan ang namayapang mamamahayag na si Mike na isa pala sa pinakamalaking donors ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Sta. Ana, Manila.
Bukod sa pagiging tapat at mahusay na haligi ng industriya, tahimik ding tumutulong noon si Mike sa mga nangangailangan.
Talaga namang inspiring at full of love ang Christmas Station ID ng Kapuso Network na humihikayat sa lahat na gumawa ng kabutihan at maging biyaya sa ibang tao.