Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Rox Santos

Vice Ganda, mangunguna sa Rox Santos 15th Anniversary Concert

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PANGUNGUNAHAN ni Vice Ganda ang listahan ng performers sa Rox Santos 15th Anniversary Concert na magaganap sa Music Museum sa November 10, 8:00 pm.

Kasama ni Vice na lalong magpapaningning sa espesyal na okasyon sina  Erik Santos, Kyla, Juris, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Sheryn Regis, Agsunta, Alexa Ilacad, Bini, Klarisse, Jeremy G,  1621BC, Anji Salvacion, Annrain, Bryan Chong, Cesca, Drei Sugay,  KD Estrada, Kice, Khimo, Lyka Estrella, Trisha Denise, at ang surprise special guest na sa mismong araw ng concert ire-reveal.

Si Rox ang Label Head ng StarPop under ABS-CBN Music, siya ay isang mahusay na songwriter, producer, at hitmaker na nakalikha na ng higit sa 150 songs.

Siya ang sumulat ng mga hit song ni Vice Ganda na ‘Wag Kang Pabebe, Boom Panes, Push Mo Iyan Te, Boom Karakaraka, Rampa, at Corona Ba-Bye Na.

Kabilang sa hit songs ni Rox ang Amakabogera ni Maymay Entrata, Jaya’s Hanggang Dito Na Lang, 

Michael Pangilinan’s Hanggang Kailan, Sana Ngayon Lang Ang Kahapon ni Angeline Quinto, mga theme song ng mga teleserye, pelikula, at marami pang iba.

Siya ay kilalang producer at composer din nina Enchong Dee, Kim Chiu and Daniel Padilla’s album DJP.

Plus Maymay Entrata’s album, MPowered at Belle Mariano’s album Daylight.

Ang gaganaping concert sa Nov. 10 ay masasabing isa sa career milestone ni Rox, kaya nagdesisyon siyang ipagdiwang ito sa Music Museum.

Aniya, “Kasi, hindi ba 15 years? So for me sobrang milestone sa career ko na umabot ako ng 15 years. So for me, sobra siyang blessings.

“So, I think, siguro naman ay parang… kailangan ko na rin i-celebrate kasi 15 years na siya, e. So, kailangan nating bonggahan at you know,

kailangan ko rin sigurong ipagyabang nang slight iyong na-achieve ko na ito sa music industry,” nakangiting wika ni Rox.

Ano ang feeling na malapit na niyang i-celebrate ito? “Sobra akong thankful and grateful sa mga taong sumusuporta sa akin, na along the way ay nandoon sila.

“Kasi, hindi lahat nabibigyan ng ganitong milestone, hindi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity, so for me, sobra siyang blessing.

“That’s why I’m super thankful sa ABS-CBN, family ko na sila talaga, iyong sumuporta sa akin at nagbigay ng opportunity na marating ko itong milestone ng career ko,” masayang sambit ni Rox.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …