Saturday , November 16 2024
Cool Cat Ash

Album ni Cool Cat Ash na I Find Love, So, So, Weird, 3 years ginawa

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING nagpakita ng husay bilang singer-songwriter si Cool Cat Ash sa album niyang I Find Love, So, So, Weird.

Limang taong gulang pa lang siya nang naglabas ng unang album na Gusto Kong Kumanta, ngunit tumigil siya sa kanyang singing career upang bigyang focus ang pag-aaral. Sa kasulukuyan, kinukuha niya ang kursong music production sa Berklee College of Music Boston habang nagtratrabaho bilang songwriter, producer, sound engineer, at DJ.

Ang bunsong anak ni Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor na kilala rin bilang Ashley Aunor ay aminadong hindi niya ine-expect na maglalabas siya ng album this year.

Kuwento niya sa amin, “Very-very different itong album na ito. For this album, nag-focus ako sa self reflection, I wrote this album during the pandemic. So parang puro ano siya, about self love, iyong pagda-doubt mo sa sarili mo na natatakot ka na sa changes sa buhay mo. I actually have a song called Changes.

“It’s all about friendship also, all types of love besides romantic love dahil nahahanap naman natin iyong love, di ba? Not just in a romantic na setting, pero nakikita natin sa friends natin, family… Even from strangers na kaka-meet mo lang, tapos iyon pala ang bait pala nila.

“Love is all around the world, that’s why my album is called I Find Love So, So, Weird. Dahil ang weird ng lahat ng places na nahanap mo ang love.”

Kasabay ng ginanap na matagumpay na album launching ang birthday bash ni Ashley sa Academy of Rock. 

Dream come true ba ang pagkakaroon niya ng album?

Nakangiting esplika ni Ash, “Hindi ko talaga po in-expect na maglalabas po ng album ang Star Music, to be honest.

“Kasi noong una, nagparinig lang ako ng one song sa Star Music, yung first song ng album which is Break The Rules.

“Tapos sabi nila, ‘ A okay ito, ah. Baka puwede ka pang magsulat ng all English na album’. Parang na-feel ko na nga yung doubt na, ‘Kakagatin ba ito?’ in an OPM industry?

“Pero sabi nila, ‘Just believe, I think mayroon talaga itong potential. For everyone to hear something new, a new twist,’ So trinust ko na lang po talaga ang Star Music on this plan,” mahabang kuwento niya.

Pahabol pa ni Cool Cat Ash, “I’ve fully written, produced and engineered from start to finish ang buong album na ito. I’ve created this album in three years… so eto na siya, 2023 na. From start ng pandemic, 2020 – 2023, ayan na siya, the album, guys.”

Pinangalanan siyang Rock Artist of the Year sa PMPC Star Awards 2022 at Novelty Artist of the Year naman noong 2021 habang ang awitin niyang “Mataba” ay hinirang naman na Novelty Song of the Year.

Bukod dito, bahagi rin si Cool Cat Ash ng songwriting at production duo na “Aunorable Productions” kasama ang kanyang ate at kapwa singer na si Marion Aunor. Bilang recording artist, nakapaglabas na siya ng ilang awitin tulad ng “Changes,” “Best Friend,” at “Gone Too Soon.”

Damhin ang nakakaantig na mensahe ng bagong album ni Cool Cat Ash na I Find Love, So, So, Weird na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang Newsroom | ABS-CBN Corporation.

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …