Sunday , April 27 2025
PSC ROTC Games Natl finals
 Ang brainchild ng ROTC Games na si Senator Francis "Tol" Tolentino,Chairman of The Blue Ribbon Committee at The Committee on Justice and Human Rights, kasama ang mga Miss ROTC Games candidates na mga nanalo na sa regional legs ay magpapatalbogan ng talino at ganda ngayong Sabado ng hapon para tanghaling  Miss ROTC sa Cuneta Astrodome. (HENRY TALAN VARGAS)

PSC ROTC Games Nat’l finals

HANDANG-HANDA na ang halos 800 cadet-athletes na sumabak sa 2023 Philippine Reserve Officers Training Corps (ROTC) Games National Championships sa Oktubre 22 hanggang 28 sa ilang venues sa Metro Manila.

Mag-aagawan para sa gold medal ang mga finalists ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy sa boxing, kickboxing, athletics, basketball 3×3, arnis at e-sports.

Sa ROTC Games National Championships papagitna ang mga nagwagi sa idinaos na regional legs.

Ito ay sa Visayas Leg sa Iloilo City noong Agosto 13 hanggang 19, sa Mindanao Leg sa Zamboanga City noong Agosto 27 hanggang Setyembre 2, sa Luzon Leg sa Cavite noong Setyembre 17 hanggang 23 at sa National Capital Region (NCR) Leg sa Manila noong Oktubre 7 hanggang 17.

“Lahat ng mga magagaling (sa regional legs) maglalaro dito (sa National Championships). Pati iyong sa boxing, pati iyong sa e-sports,” sabi kahapon ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na siyang bumuo ng konsepto ng ROTC Games.

May inihahanda na rin siyang cash incentives para sa mga magiging gold medalists.

“Mayroon din iyan, pero hindi pa natin sasabihin. Kaya magiging exciting itong mga susunod na araw,” dagdag pa ng chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Samantala, nakatakdang koronahan ngayong hapon ang Miss ROTC Philippines sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Ang gaganda nitong mga ito at matatalino pa. So lahat po sila ay naghahanda para magkaroon tayo ng mas magandang Miss ROTC Games,” dagdag ni Tolentino sa 24 kandidata na nagwagi sa mga regional legs.

Sa Cuneta Astrodome rin gagawin ang opening ceremonies bukas ng hapon.

“Maraming participants gaya ng ROTC NCR Leg. May mga cheerleading exhibition, arnis, pero ngayon ang balita ko actual game na eh.Immediately after the opening, actual games na ng volleyball,” wika ng Senador. (PCO Public Communications Office)

About Henry Vargas

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …