Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga Cesar Montano Hailey

Cesar puring-puri ang pagiging hands on dad ni Diego

MA at PA
ni Rommel Placente

BUKOD sa mahusay na aktor ay isa ring mahusay na singer si Cesar Montano. Kaya tinanong namin siya kung may plano rin ba siyang maging isang recording artist. 

Ang sagot niya, “Well, mayroon akong pini-prepare na ilang songs na ilalabas, na nagawa ko during pandemic. Puro original compositions ito.”

Ang anak ni Cesar kay Theresa Loyzaga na si Diego Loyzaga ay magaling ding kumanta. May plano ba siyang makipag-collab kay Diego?

Yes, I love to, and with Angelina too,” anang aktor.

Si Angelina ay ang anak naman ni Cesar kay Sunshine Cruz.

Nagpo-produce rin ng pelikula si Cesar. 

May plano rin ba siyang kunin si Diego sa mga  pelikulang gagawin at ididirehe niya?

Yes, I’m planning to do a movie with Diego, an action-drama, na kaming dalawa ang bida. Ako rin ang susulat ng script,” anito.

Actually, nakasama na naman ni Cesar sa pelikula si Diego via Maid In Malacanang

Gumanap dito ang una bilang si late Ferdinand Marcos Sr. at ang huli naman ay bilang si Presidente Bongbong Marcos. Ang producer nito ay ang Viva Films at hindi ang film outfit ni Cesar na CM Productions.

Puring-puri ni Cesar si Diego sa unang pakikipagtrabaho niya rito sa nasabing pelikula.

I was flattered noong una kaming magsama sa ‘Maid in Malacanang.’ Sabi ko, ang galing na artista nitong anak ko.

“The first day noong bago pa lang siyang sumalang sa pag-arte, ako ‘yung isa sa nagsabi sa kanya na, ‘huwag ka munang mag-artista, mag-aral ka munang mag-Tagalog.’ Hindi pa kasi siya marunong mag-Tagalog that time, laking Tate (Amerika), eh.

“Pero excited na excited siya (sa pag-aartista). Siguro yun ‘yung passion niya and  I can’t blame him,” sabi pa ni Cesar.

May isang anak na si Diego. Pinayuhan ito ni Cesar na maging hands-on dad.

It’s another career to be a hands-on dad.  Hindi madaling gawin ‘yun. Pero natutuwa ako kay Diego, dahil hands-on dad siya sa apo ko.

“Lagi siyang nagpapadala sa akin ng pictures, ng video, na nag-aalaga siya, nagpapatulog siya ng bata. Ang cute-cute naman ng apo ko, nakatutuwa si Hailey,” pagmamalaki ni Cesar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …