Monday , December 23 2024
FFCCCII EJ Obiena
Sina Hangzhou Asian Games gold medalist at ang No. 2 pinakamahusay na pole vault na atleta sa mundo na si EJ Uy Obiena kasama si Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) president Dr. Cecelio K. Pedro. (HENRY TALAN VARGAS)

Suporta sa Olympic bid
FFCCCII Binigyan ng P5-M ang Asian gold medalist na si EJ Obiena

  Ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pangunguna ng pangulong Dr. Cecelio K. Pedro ay nagbigay ng regalong P5 milyong piso sa kauna-unahang Hangzhou Asian Games na nagwagi ng gintong medalya ng Pilipinas at ang No. 2 pinakamahusay na pole vault na atleta sa mundo na si EJ Uy Obiena. Ang regalo ay isang reward din para suportahan ang kanyang 2024 Paris Olympic bid. Ang seremonya ay ginanap noong Oktubre 10 sa FFCCII Bldg. sa Binondo, Maynila.

Binati ni Dr. Pedro si Obiena “sa pagdadala ng karangalan sa Pilipinas at sa Filipino Chinese community” sa kanyang tagumpay sa Asya. Aniya, si Obiena ay ang kontribusyon ng ating Filipino chinese community sa Pilipinas, na nagpapakita ng ating pagiging ‘Dugong Tsino, Pusong Pinoy’ ng pag-aalaga sa ating etnikong Chinese heritage at kasabay nito ang pagiging ganap na mamamayang Pilipino na tumutulong sa pag-unlad ng Pilipinas. Sinabi rin ni Dr. Pedro na ang panalo ni Obiena ay nakatulong upang maisulong ang mabuting kalooban at tradisyonal na pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, kung saan ang 80, 000 Chinese crowd sa Hangzhou Olympic stadium ay nag cheers sa kanyang panalo.

    Ang FFCCCII ay ang pinakamalaking umbrella organization ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce at iba pang magkakaibang asosasyon sa industriya ng negosyo sa buong Pilipinas, mula Aparri hanggang Tawi Tawi. Kabilang sa maraming proyektong pang-ekonomiya, pangkultura at kawanggawa ng FFCCCII ang “Operation Barrio School” nito na nakapagtayo at nag-donate na ng mahigit 6,200 public schoolbuilding para sa mga rural na lugar sa buong bansa, suporta para sa mga Filipino Chines volunteer fire brigades sa buong bansa, atbp. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …