Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino

Unang episode ng Dear Wilbert FB Public Service program, trending agad!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AYAW talagang paawat sa paghahatid ng good vibes at kabutihan sa kapwa si Ka-Freshness Wilbert Tolentino. Generosity is indeed love in action. Imbedded na nga talaga sa personalidad niya ang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa tao.

Pagkatapos makilala si Sir Wilbert sa kanyang malambot na puso at kalooban at sa pagiging likas na pagiging philanthropist, gumawa na naman ng isang platform si Ka-Freshness upang mas lalo pang makatulong at nakapagbigay ng inspirasyon lalo na sa mga taong nangangailangan.

Ipinakilala ni Sir Wilbert sa kanyang FB Page ang kanyang sarilng FB Public Service Program na Dear Wilbert na isinasadula ng mga aktor ang problema ng letter sender at sa dulo ay tinutugunan naman ito at binibigyan ng solusyon ni Ka-Freshness.

Sa unang episode ay ipinalabas ang problema ng isang letter sender na naubos ang savings nang bumagsak ang negosyong tindahan dahil sa utang at kumapit sa patalim nang kumagat sa 5-6. Wala nang mapuntahan at makapitan ang letter sender na tila nawawalan na ng pag-asa kaya sinubukan niyang sumulat sa Dear Wilbhert.

Hindi naman siya nabigo dahil agad na tumugon si Sir Wilbert at binigyan siya ng starter pack para sa isang skin care business at binigyan din ng cash upang maging puhunan sa pagsimula ng kanyang bagong negosyo.

Tuloy-tuloy ang pag-feature ni Sir Wilbert ng bagong istorya sa nasabing FB Public Service program na trending na ngayon sa socmed world. Sa mga taong nais na dumulog at ihinga ang kanilang problema sa Dear Wilbert, makipag-ugnayan lang sa FB Page ni Wilbert Tolentino, makipag-ugnayan sa FB admin at ilahad ang inyong istorya.

Abangan ang mga susunod pang nakalulungkot na istorya sa Dear Wilbert na agad magbibigay ng ayuda si Ka-Freshness kasama na rin ang kanyang words of wisdom upang patuloy nating harapin at labanan ang mga hamon sa buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …