Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yassi Pressman Ruru Madrid

Ruru at Yassi magaling magpakilig

RATED R
ni Rommel Gonzales

FULL support ang mga kapwa Sparkle artist ni Ruru Madrid sa premiere night ng pelikulang Video City na pinagbibidahan nila ni Yassi Presman na prodyus ng Viva Films at GMA Pictures.

Bumuhos din sa premiere night ang fans ng dalawa na madalas naghihiyawan at pinapalakpakan ang mga magagandang eksena lalo na ang mga nakakikiliting eksena. Kaya naman buhay na buhay ang sinehan sa SM Megamall.

Ang lạki ng improvement ni Ruru sa ipinamalas niyang acting sa pelikula. Swak na swak ang tambalan nila ni Yassi. Noong una ay hindi kami maka-relate sa  movie pero habang tumatakbo ang story ay nadala na kami. 

Komento ng aming kaibigang si Rosco Odulio, VP for Marketing ng Wheeltek, sikat na sikat na raw si Ruru. Nang ipakilala kasi namin si Ruru sa kanya noong 2017 ay hindi pa ganoon kakilala ang aktor. Isa kasi si Ruru sa endorser ng Wheeltek na magse-celebrate ng 50th anniversary next year.

Binigyan ng masigabong palakpakan ng mga tao sina Ruru at Yassi matapos mapanood ang Video City na nagpapaalala sa amin sa mga video rental ng mga movie na nasa VHS at Betamax noong araw. Kasalukuyang nasa mga sinehan ngayon ang pelikulang Vide City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …