Sa nasabing panayam, hindi nakaligtaang natanong siya na mas marami umano ang nagagandahan sa Thy Womb kaysa rito sa kanyang obra?”Okey lang ‘yun pero marami naman akong narinig na hindi at mas gusto daw nila ‘to, ha ha ha ha! I think, magkaiba lang ‘yung kuwento, nirerespeto ko pa rin sila pero para sa akin, mas authentic ito kasi nag-Ilocano rito si Ate Nora. So, hindi mo siya puwedeng eh …, ano ito, parang part talaga siya ng community. Siya talaga ang nag-push nito, sabi nga niya, gawin nating Ilokano ito para authentic. Hindi siya nahirapan pero may ilang salita na nahirapan siya pero tuloy-tuloy lang naman siya eh.”
Dagdag pa nito, ”So iyon, respeto lang. Respetuhan lang naman ‘yan. May maganda, may pangit, ganoon lang ‘yon. ‘Di ko problema ‘yun, basta ako, gagawa ako at marami pa akong gagawin,” pangwakas nito.
(Alex Datu)