Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joross Gamboa

Joross basketball player, sinuwerte sa pag-aartista

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa pag-aartista ay regular na raket ni Joross Gamboa ang pagba-basketball sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Tinanong namin si Joross kung ano ang mas matimbang sa kanya ngayon, basketball o pag-aartista?

To be honest po, ang first love ko talaga is basketball! Nag-varsity ako noong high school, college naglalaro ako kaya lang nag-Nursing ako kaya natigil ‘yung pagba-basketball ko.

“And noong nag-college ako nakita ko ‘yung height ko sabi ko, ‘Ay, mag-aartista na lang ako!’

“Hindi, joke lang. So lahat naman ano eh, ibinibigay ng Diyos, minsan ibinibigay ng Diyos hindi kung ano ‘yung gusto mo, eh.

“Kung ano ‘yung kailangan mo.

“So rito sa pagiging artista mas lumawak ‘yung pananaw ko sa buhay kasi we are privileged to experience different situations, to act.

“Kumbaga we are living the lives of everyone, kami ang nagpo-portray ng mga story ng bawat isang tao rito sa mundo kaya sobrang nakatutuwa, nakatataba ng puso and we are blessed and thankful.”  

Napapanood si Joross bilang si Brendan sa The Missing Husband ng GMA kasama sina Yasmien Kurdi bilang Millie at Rocco Nacino bilang Anton.

Nasa The Missing Husband din sina Jak Roberto bilang si Joed, Sophie Albert bilang Ria, Nadine Samonte bilang Nona, Michael Flores bilang Banong, Shamaine Buencamino bilang Sharon, Maxine Eigenmann bilang Leila, Cai Cortez bilang Glenndolyn, Patricia Coma bilang Aryaat Bryce Eusebio bilang Norman, sa direksiyon ni Mark Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …