Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennica Garcia dirty linen

Jennica ayaw munang makipag-date — Uto-uto po kasi ako

MA at PA
ni Rommel Placente

WALA ng balikang mangyayari kina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia dahil inaayos na nila ang annulment ng kanilang kasal.

Definitely, we are already separated. Mga three years na now. And we are working on the annulment,” sabi ni Jennica.

Patuloy niya, “‘Yung second chance kay Alwyn, naibigay ko na po ‘yun sa kanya at dumating na po ‘yung point na wala na talaga akong kayang ibigay,” ang pahayag pa ng Dirty Linen star.

Nabanggit din ng anak ni Jean Garcia, na wala siyang planong magpakasal uli matapos mawasak ang married life nila ni Alwyn.

“I don’t see myself doing it again. Siguro in the future pero sa ngayon hindi ko po talaga ma-imagine. Kasi ang naisip ko magtitiwala na naman ako ng buong-buo sa isang tao.

“Hindi ko alam kung kaya ko pang i-survive ‘yung next blow of heartbreak. Maybe because I need a lot of healing,” katwiran pa ng aktres.

Mahirap na ako ma-in love ngayon. Pa-tatlong taon na tayong single pero habang patagal ng patagal, natututo ka na manood ng sine mag-isa, kumain mag-isa, tapos you also feed others. Nagkakaroon na po ako ng kompiyansa sa sarili ko.”

At kung magkakaroon man siya ng bagong karelasyon, “Pakiramdam ko po ‘yung bagong pag-ibig, para mahulog ‘yung loob ko sa iba, dapat po magaling po siya. Kasi paano ‘yan magaling na rin ako?

“Pasensya na kung mayabang ang dating pero ginapang ko talaga itong healing ko eh. Ang layo na ng naitawid ko sa sarili ko, especially with my mental battle.

“So, kapag may darating na bago, I can very much differentiate a red flag from a green flag. I don’t want to awaken love. I don’t want to look for it.

“I don’t want to date anybody exclusively kasi alam ko na ‘yung weakness ko na ang words of receiving words ko ay affirmation. Sa madaling salita uto-uto po tayo.

“Masabihan lang tayo na ang ganda mo or ikaw lang ang mamahalin ko, ako naman si oo nga, tama nga. Hindi na tayo ganyan. I don’t want to awaken love. If I date one person, mabilis na naman hulog ang loob ko.

“So aware na tayo. It’s so difficult to date right now because I have two kids. So kailangan mo rin tingnan would he be a good father to my children?” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …