RATED R
ni Rommel Gonzales
DOBLE ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na Wow Mali: Doble Tama, simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15p.m. sa TV5 at 7:00P p.m. sa BuKo Channel.
Nakilala ang Wow Mali bilang kauna-unahang prank show ng Pilipinas na kinagiliwan ng mga Filipino simula nang umere ito noong 1996. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa, dagdag pa ang witty hosting ng original prank master na si Joey De Leon, kaya naman naging household term na ang Wow Mali sa mga Pinoy.
Ngayong Agosto, magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa Wow Mali: Doble Tama sa pangunguna ng kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga bagong prankmasters ng programa.
Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang Wow Mali: Doble Tama ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakatatawang segments, at kaabang-abang na parodies.