Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Gan Dingdong Dantes

Andrew Gan, hataw sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AFTER sumabak ni Andrew Gan sa pinaka-daring niyang movie titled Taong Grasa, patuloy sa paghataw sa kaliwa’t kanang projects ang aktor.

Kabilang sa pinagkaka-abalahan ngayon ni Andrew ang pelikulang Offload at ang drama-crime-mystery series na Royal Blood ng GMA-7.

Ang una ay isang pelikulang pinagbibidahan ni Allen Dizon, ang serye naman ay tinatampukan ni Dingdong Dantes.

Esplika ni Andrew, “Offload po ang title ng movie for filmfest yata sa Korea ito. Then, yung TV series ay Royal blood naman, starring Dingdong.”

Dagdag pa niya, “Sa Royal Blood po, imbestigador ako na kakampi ni Dingdong Dantes para alamin kung sino ang pumatay kay Gustavo. Bale, si Gustavo ay tatay ng mga Royales, sa kanya umiikot iyong story… si Tirso Cruz III ang gumaganap bilang Gustavo po.

“Sa Offload naman, ito’y directed by Rommel Ricafort, ang casts po ay sina Allen Dizon,  Ava Mendez, Angel Guardian, Rap Robes, etcetera.

“Dito’y isang missionary naman ang role ko na maraming lihim, dark iyong character ko po rito. Si Allen ang bida rito at isa po ako sa kontrabida sa movie.”

Masaya si Andrew na nabibigyan siya ngayon ng iba’t ibang klase ng role at iba-ibang genre ng pelikula.

“Yes tito. Super-happy ako dahil nabibigyan tayo ng iba’t ibang opportunity. Iyong mga tipong out of the box na character po,” nakangiting sambit pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …