Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia alden Richards

Alden si Joshua ang feel gumanap sa biopic

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKATUTUWA ang sagot ni Alden Richards sa tanong kung sino pang personalidad ang nais niyang i-portray o gampanan sa Magpakailanman.

Sa ngayon po siguro, si FLG, si Mr. Gozon. Okay ‘yun,” ang tumatawang sagot ni Alden sa amin na ang tinutukoy ay ang Chairman at CEO ng GMA Network.

Si Mr. Gozon po, i-portray natin ang buhay ni Mr. Gozon. Kung papayag po si Boss.”

Noong March 2013 ay ipinalabas sa Magpakailanman ang life story ni Alden.

Kung sakaling ngayong 2023, makalipas ang 10 taon ay hilingin sa kanya ng GMA na muli niyang ibahagi ang tunay na kuwento ng buhay niya, papayag naman si Alden.

Siguro po mas maa-appreciate ko po kung iba ‘yung aarte.”

Tinanong namin kung sino ang artistang nais niyang gumanap bilang Alden.

Si Joshua Garcia nasa GMA na bakit hindi siya, ‘di ba?

“And ‘yung gusto ko po sana ang maging highlight naman kung magkaka-part 2, I want the episode to be a feel-good episode yet inspirational.

“Kasi roon po [2013], parang life story ko po when we were kids, mahirap po kami, ‘yung condition po ng mom ko towards her deathbed tapos nag-start po akong naging artista, etc. 

“So kung may second part man po, sana from that part going na to where I am po now. Sana ganoon.”

Ang apat na episodes ng Magpakailanman ni Alden ay ang A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story na kasama si Sanya Lopez, sa direksiyon ni Neal del Rosario na napanood nitong nakaraang Sabado. Sa Sabado naman ang Epal Dreamboy: The Richard Licop Story kasama si Lotlot de Leon, sa direksiyon ni Irene Villamor, pangatlo ang The Lost Boy, na si Irene Villamor pa rin ang magdidirehe. Gaganap rito si Alden bilang isang lalaking napadpad sa buhay na puno ng krimen na tiyak na magpapakita ng “the other side” at pang-apat ang Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story sa direksiyon ni Gina Alajar.

Ang month-long special ng Magpakailanman ngayong Agosto ay tuwing 8:15 p.m. sa GMA. 

Naka-livestream din ito ng sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …