Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto  Barbie Forteza David Licauco

David off sa fans na namba-bash kay Jak

MA at PA
ni Rommel Placente

KAHIT may boyfriend na si Barbie Forteza sa katauhan ni Jak Roberto ay tinanggap pa rin ng mga fan ang tambalang Barbie at David Licauco (BarDa), na nagsimula sa defunct series ng GMA 7 na Maria Clara at Ibarra.

Click ang loveteam na BarDa.  Maraming fan ang sumusuporta sa kanila. Na ‘yung iba, ang gusto ay makipaghiwalay na si Barbie kay Jak.

At ang reaksiyon naman dito ni David sa isang interview sa kanya ay, “I think we all have to respect ‘yung personal lives namin. Siyempre mahal niya si Jak Roberto, mayroon silang relationship before our loveteam, so we have to respect that.”

Pero aniya, naiintindihan naman niya ang mga fan nila ni Barbie.

Pero siyempre maiintindihan mo rin naman ‘yung fans standpoint. Hindi natin sila masisisi kung pinu-push nila kami, kasi iyon ang happiness nila, and I think we also have to respect that,” dagdag pa niya.

Happy naman kaming nagpapasaya, pero pinaka-ayoko lang naman ‘yung bina-bash si Jak.

“Nakikita ko ‘yung mga hate, although I truly appreciate the support talaga and ‘yon na nga, sabi ko, happiness nila ‘yon. Wala naman akong magagawa roon at saka gusto ko masaya sila, pero spread positivity na lang siguro,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …