Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jane Oineza KD Estrada Alexa Ilacad

Jane, KD, Alexa patuloy na magniningning bilang Kapamilya

MATAPOS ang matagumpay na premiere ng Nag-Aapoy Na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso, masayang pumirma ng eksklusibong kontrata sa ABS-CBN ang homegrown stars na sina Jane Oineza, KD Estrada, at Alexa Ilacad sa ginanap na Keep Shining Kapamilya network contract signing event.

I know I am in good hands with ABS-CBN, basta sa part ko lang ibibigay ko ang lahat lahat,” ani Jane na nanatiling Kapamilya sa loob ng dalawang dekada.  

Nagsimula bilang child star at ngayon ay gumaganap na bida sa Nag-Aapoy Na Damdamin, binalikan ni Jane ang pagsisikap na nagdala sa kanya sa tagumpay na tinatamasa ngayon. “Nakaka-overwhelm but at the same time I know that I’ve put in a lot of hard work so I’m giving myself a pat in the back as well,”aniya. 

Mula sa akting, singing, teatro, at ngayon ay mga bida na sa pang-hapong serye na Pira-Pirasong Paraiso, excited sina KD at Alexa, kilala bilang KDLex na ipagpatuloy ang kanilang showbiz career bilang Kapamilya. 

Iginiit ni KD ang kanyang loyalty sa network at nagbigay pasasalamat sa solid supporters na patuloy na naniniwala sa kanyang talento. 

Ang pagiging Kapamilya po ay responsibility, para ipakita na we can give quality content, services, and we’re there for everybody. ‘Yung mga solid supporter, and to our ‘sweethearts,’ kung hindi dahil sa inyo, I wouldn’t be in this position right now,” ani KD.  

Para naman kay Alexa, masaya at kontento ang kanyang puso sa mga proyekto na natatanggap niya bilang isang singer at aktres. 

I’ve learned a lot of lessons especially since I love what I do. There are no small roles with ABS-CBN because they give us quality shows and quality roles, and I would like to do my part as an actor to show that I deserve what I am given,” sabi naman ni Alexa.

Ibinahagi rin ni Alexa ang kanyang loyalty sa Kapamilya. Aniya, “I literally grew up with ABS-CBN and there’s nowhere else I’d rather be.” 

Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic managers na sina Cris Tapang at Joy Lomibao.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …