SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TAPOS na tapos na ang pelikulang ipinrodyus ni Konsehal Alfred Vargas na co-producer ang kapatid niyang si Cong. PM Vargas, ang Pieta,kaya naman naikuwento nito sa isang tsika-tsika kahapon ng tanghali na isusumite nila ito sa Metro Manila Film Festival 2023.
Bukod sa pagiging prodyuser, lead actor si Alfred sa Pieta kasama ang National Artist na si Nora Aunor gayundin sina Gina Alajar at Jaclyn Jose kaya naman gusto niyang makasali ito sa darating na MMFF sa December.
Ani Alfred, “Sana, sana, makuha kami. Ako ha, feeling ko, makabubuti ito sa Philippine cinema. Sana ‘yung filmfest this year, mayroong Nora, may Vilma (Santos), may Sharon (Cuneta). Sana, sana. Pero of course, wala naman sa atin ang desisyon. Sana, makapasok.”
Labis naman ang paghanga ni Alfred sa asawa niyang si Yasmine sa sakripisyo nito sa pagbubuntis sa kanilang ikaapat na anak.
Naikuwento ni Alfred kung gaano kaselan ang pagbubuntis ng kanyang asawa dahil sa Generalized Anxiety Disorder kaya naman kailangan nito ang bed rest sa buong pregnancy.
“Bed rest talaga. She’s only allowed to move 15 minutes a day,” sabi ni Alfred na sa ikatatlong anak nila pala nila nagsimulaang Generalized Anxiety Disorder nito subalit sa kanilang ikaapat ay mas nahirapan na si Yasmine.
“Bigla na lang nagpa-panic attack without any trigger, tapos nagpa-palpitate,” sabi pa ng aktor/konsehal.
Kaya naman nasabi ni Alfred na kulang na lang ay sambahin ang asawa dahil sa nakikita niyang sobrang paghihirap nito.
“Bilib ako sa inyong lahat. ‘Yung hirap na pinagdaraanan ng kababaihan, sobra! ‘Pag nakikita kong nagsa-suffer ang wife ko para lang maalagaan ‘yung nasa sinapupunan, talagang ako, okay lang akong lumuhod para lang sambahin siya,” ani Alfred.
Kaya naman ini-spoil niya ang misis at kung ano ang gusto ay ibinibigay niya agad.