Monday , December 23 2024
Anne Curtis

Anne tinawanan mga nang-okray sa kanyang lumpia gown  

MA at PA
ni Rommel Placente

INOKRAY ng netizens ang suot na gown ni Anne Curtis sa ginanap na GMA Gala 2023. Nagmukha raw lumpiang shanghai ang aktres dahil mukha raw pambalot  ng lumpia ang gown nito.

Tweet ng isang netizen, “Hindi ko talaga matanggap ‘yung suot ni Ms. Anne Curtis sa #GMAGala2023. Mukhang shanghai na hindi pa napiprito. Here’s the comparison to prove my point. Pero ang ganda mo pa rin po, Ms. Anne. Loveyouuu!” 

Sa kanyang Instagram Story, nag-post naman ang kaibigan ni Anne na si Vice Ganda, na kasama niyang dumalo sa GMA Gala 2023 ng isang video na makikitang nagpalit na sila ng damit pagkatapos ng event.

Mapapanood sa video na nasa harapan sila ng isang salamin habang ibini-video ang kanilang mga sarili. Sey ni Vice kay Anne, parang mas maganda raw siya kapag malayo at malabo ang kuha.

Hirit naman ni Anne, “Here, have some lumpia,” na ang tinutukoy nga ay ang bitbit niyang gown na nakatupi na. Sinundan naman ito ng malakas na tawa ng magkaibigan.

Aware si Anne na may mga pumuna sa kanyang gown. Pero hindi siya nagpaapekto at ayun nga at tinawanan niya lang ito.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …