Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl

Herlene Hipon lumalaki na raw ang ulo, unprofessional pa at laging late 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA recent upload sa kanilang vlog na Showbiz Update, isa sa mga pinag-usapan ng mga host na sina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ay ang umano’y paglaki na ng ulo ng comedienne cum beauty queen na sa Herlene ‘Hipon’ Budol.

Napansin daw kasi nila na tila hindi masaya si Hipon sa napanalunang korona bilang Miss Tourism Philippinessa katatapos lang na Miss Grand Philippines.

Halata raw ito sa mukha ng dalaga. Hindi ito naka-smile nang tawagin ang pangalan niya bilang Miss Tourism Philippines, at habang kinokoronahan, seryoso ang mukha.

Sabi ni Ogie, “Parang nasilip ko talaga, parang nase-sense ko ‘yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol, sorry to say ha. Oh, kaibigan natin si Momshie, Momshie Wilbert, pero sana hindi ito senyales ng paglaki ng ulo.”

Ayon pa sa talent manager-TV host, social media influencer, may mga naririnig daw siyang mga kuwento ukol sa dalaga mula sa kanyang mga source sa Kapuso Network.

Kasi naririnig ko eh, sa GMA, ‘yong mga pagiging unprofessional ni Herlene, roon sa taping ‘di ba? At dito rin ‘pag uma-attend siya ng rehearsals ng Miss Grand eh, nali-late rin siya.”

Natanong ni Mama Loi kung true ang chika na may pagka-unprofessional nga ang dalaga?

“Pero hindi nga, totoo nay? Ano ba, may pagka-unprofessional daw ba si Herlene?” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Sagot naman ni Ogie, “Oo, iyon ang naririnig natin. At sana no, lalo na eh sinusubo na lang sa ’yo ‘yong mga pagkakataon, ‘yong oportunidad, i-grab mo, ingatan mo, mahalin mo, pahalagahan mo. Kasi nakikita ko talaga, feeling niya sikat na siya. Feeling niya sikat siya.”

Pero for the benefit of the doubt, pwede naman daw pabulaanan ni Herlene at sagutin ang mga isyung ibinabato sa kanya dahil ito lang naman ang nakarating sa kanya. Mamaya raw kasi ay i-bash na naman siya ng fans lalo na’t marami ring sumusuporta sa dalaga.

Iyon ang mga nababalitaan natin, ‘yong pagiging unprofessional ni Herlene. Oo, lalo na sa call time. Late-late. Tapos sa call time ng mga rehearsal nale-late rin siya.

“Baka sabihin naman nila ako naman pupukulin nila, ako iba-bash nila, eh sige, sagutin ‘yan ni Herlene kung bakit nangyayari ‘yan, bakit may ganoong sumbong sa akin na siya ay napaka-unpro,” sey pa ni Ogie.

Pero sana nga raw ay hindi totoo ‘yung tingin ni Ogie tungkol kay Herlene.

Kaya sana lang no, mabago ‘yong pananaw ko, ‘yong tingin ko kay Herlene, na sana hindi ito totoo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …