Tuesday , November 5 2024
SEA VLEAGUE MEN’S

Sa Santa Rosa, Laguna
INAUGURAL SEA VLEAGUE MEN’S TOURNEY SIMULA HULYO 28-30

HOST ang Pilipinas na ikalawa sa dalawang leg ng inaugural Southeast Asia (SEA) VLeague men’s tournament mula Hulyo 28 hanggang 30 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Ang VLeague ay isang serye para sa men and women indoor volleyball sa Pilipinas, Thailand, Indonesia at Vietnam at affiliated ng Southeast Asia Volleyball Association.

“Layunin ng VLeague na palakasin at paunlarin ang men’s volleyball sa rehiyon,” sabi ni Ramon “Tats” Suzara, presidente ng Philippine National Volleyball Federation, coming off sa matagumpay na pagho-host ng Men’s Week 3 ng Volleyball Nations League sa Pasay City noong nakaraang buwan.

Ang apat na bansa ay halos magkapantay sa ranggo sa International Volleyball Federation o FIVB. Ang Vietnam ang best-ranked men’s team sa No. 56, Thailand sa No. 58 kasunod ang Pilipinas sa No. 59 at Indonesia sa No. 68.

Ang SEA VLeague—isang brainchild ni Suzara at Thailand federation president Shanrit Wongprasert—ay nagbukas sa Jakarta noong Huwebes (Hulyo 21) kung saan makakalaban ng Pilipinas ang Indonesia sa debut match nito.

Ang City of Santa Rosa leg—ay suportado ng PLDT, City of Santa Rosa, Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, One Sports at Cignal—wraps up the single-round elimination competition.

Isasagawa rin ang isang hiwalay na serye ng women’s division mula Agosto 4 hanggang 6 sa Vihn Phuc, Vietnam, at mula Agosto 11 hanggang 13 sa Chiangmai, Thailand.

Ang iskedyul ng mga laban ay: Hulyo 28—Vietnam vs Indonesia sa 4 p.m. at Pilipinas laban sa Thailand sa alas-7 ng gabi; Hulyo 29—Thailand vs Vietnam sa 3 p.m. at Philippines vs Indonesia sa 6 p.m.; at Hulyo 30—Thailand vs Indonesia sa 3 p.m. at Philippines vs Vietnam sa 6 p.m. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …