Friday , January 10 2025

Oro Plata Mata, mapapanood na nang mas malinaw! (Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, sunod na sasabak sa restoration)

NAKATUTUWANG nagagawan na ng paraan ang mga naggagandahan at mahahalagang obra para mapanood ito ng mas malinaw at maayos. Pagkatapos ng Himala, isinunod na ang Oro Plata Mata na mapapanood na in DVD form.

Ngayo’y kakaiba at talaga namang moderno na ang panonood na mararanasan dahil mas mataas na ang kalidad ng pelikula na ngayo’y in full HD na matapos itong matagumpay na nai-restore ng ABS-CBN Film Archives sa pakikipagtulungan sa Central Digital Laboratory.

Sa pamamagitan ng pag-restore o proseso ng “restoration,” napanunumbalik sa dating kalidad ang mga lumang pelikula na animo’y ginawa lang sa kasalukuyang panahon.

Kung ating matatandaan, unang ini-restore ng ABS-CBN ang pelikulang  Himala  na idinirehe ni Ishmael Bernal at isinulat ni Ricky Lee, at pinagbidahan ni Nora Aunor. Naging matagumpay ito kaya’t agad ding ini-restore ang Oro Plata Mata na itinuturing na isa sa pinakamagandang pelikula na ginawa noong 80s.

Ang ABS-CBN ang nagsimula at nanguna sa pagre-restore ng mga classic Filipino film sa bansa at kauna-unahan naman sa Asya na gumawa ng malawakang kampanya para muling ipakilala ang isang pelikulang nilikha 30 taon na ang nakalilipas sa kasalukuyan at mas batang henerasyon. Tulad na lang ng Himala na hindi lang napanood ng mga Filipino sa sinehan, kundi napanood din sa telebisyon, cable, at sa ibang bansa via pay-per-view.

“Layunin namin na maiparanas sa kasalukuyang mga manonood ang ilan sa pinakamahahalagang titulo sa kasaysayan ng pelikula sa bansa. Hindi tumitigil ang aming serbisyo sa pag-restore lamang ng lumang films kung hindi pati na rin sa kung paano namin mahihikayat ang panibagong audience na panoorin at tangkiliking muli ito,” ani ABS-CBN Film Archives head Leo Katigbak.

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 ng telebisyon sa bansa, patuloy ang ABS-CBN Film Archives sa kanilang sinumulang adhikain kaya naman patuloy pa rin ang pagre-restore nila ng mga natatanging mga titulo.

Isa sa kanilang pinaggugugulan ng oras sa ngayon ay ang restoration ng classic romantic musical drama na Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon sa pangunguna ng yumaong national artist na si Eddie Romero. Nakuha kamakailan ni Katigbak ang rights mula sa National Commission for Culture and the Arts para i-restore ang FAMAS at Gawad Urian award-winning film.

“Kinakailangan naming masalba ang mga classic na pelikula bago pa man ito tuluyang masira,” dagdag pa ni Katigbak.

Marami pang irere-restore na pelikula ang ABS-CBN Film Archives sa darating na mga buwan.
Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *