MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI lamang isa kundi dalawang bigating teleserye agad ang unang pasabog ng ABS-CBN Entertainment at TV5 sa hapon sa pamamagitan ng Pira-Pirasong Paraiso at Nag-Aapoy Na Damdamin na magsisimula nang umere sa Hulyo 25 (Martes).
Sa Nag-Aapoy na Damdamin, isa si Jane Oineza sa dalawa sa pangunahing bidang babae rito, na ang isa ay si Ria Atayde. Kaya naman natanong siya kung anong feeling na bida na siya sa isang serye?
Sabi ni Jane, “Super kilig. And sobra-sobrang thankful sa JRB Creative Productions siyempre, dahil binigyan nila ako ng ganitong opportunity. At hinding-hindi ko ‘yun ipu-put to waste. At ibibigay ko talaga ang best ko. Kaya asahan ninyo talaga, na paiinitin namin ang mga hapon ninyo.”
Dagdag niya, “Pero ‘yun talaga, sobrang happy. At alam ko naman na hindi rin naman siya overnight success. And I also put my hardwork in it. I’m just really happy that all is happening now.”
Bukod kina Jane at Ria, kasama rin sa serye sina JC de Vera, Tony Labrusca, Joko Diaz, Kim Rodriguez, Maila Gumila, Carla Martinez, Aya Fernandez, at Nico Antonio. Mula ito sa direksiyon nina FM Reyes at Benedict Mique.
Tutukan ang Nag-aapoy na Damdamin, 3:50 p.m., Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 simula Hulyo 25 (Martes).