Friday , January 10 2025

KC, handa na sa daring at challenging role (Kaya sa action naman sasabak)

SA papel niya bilang isang kontrabida sa Huwag Ka Lang Mawawala to Judy Ann Santos, marami ang nakapansin na mukhang magiging komportable si KC Concepcionsa ganoong kalakas ang impact na roles sa TV man o kaya eh, sa pelikula.

Kaya, ang laki rin ng pasalamat ng dalaga nang hindi niya tinanggihan ang pagrerekomenda sa kanya ni Judy Ann at pagpu-push sa kanya para tanggapin ang nasabing role.

Bukod sa ang taas ng ratings nito nang mawala, marami ang tumutok sa acting ni KC sa nasabing palabas.

At ngayong nakatakda na rin itong gumawa ng isang action film, sa isang Chito Ronoproject na isasalang sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF), ibayong paghahanda na pala ang ginagawa ni KC para sa kanyang role.

And in fairness, talagang sinuportahan naman daw si KC ng kanyang producers sa nasabing proyekto at ikinuha pa siya ng Scenema Concept ng Hollywood stuntman para siya i-train sa kanyang gagawing mga action scene.

Ang nasabing mahusay na stuntman ay si Kawee “Sen” Sirikanerat na kabilang sa mga nagawa ang The Beach, Ong-Back, The Cradle of Life, Lara Croft: Tomb Raider, The Expendables 2, at Rambo.

Tuwang-tuwa naman ang sporty din namang dalaga sa pagsi-share ng kanyang experiences sa kanyang Twitter account.

Ayon din sa balita, ang Boy Golden na pagbibidahan ni ER Ejercito ang siyang proyektong gagawin ni KC. At sabi rin sa balita, ito na nga ang kumuha sa slot ng pelikula sana ni Bong Revilla for the said festival. Pero nag-pull out na nga ang Bong project kaya ito na raw ang ipinalit.

This will be a good project for KC. Dahil mas daring at mas challenging na roles ang inaasahan o inaabangan sa kanya ng mga manonood.

Na mas mabuti rin para hindi na rin siya laging ikinokompara sa kanyang Megastar Mom na si Sharon Cuneta—na nang magsimulang pumaimbulog sa showbiz eh, talagang tweetums-to-the-max ang imahe.

Sa personal naman, talagang masasabing liberated ang isang KC. At kayang-kaya nito ang lumipad-lipad sa ere, gumawa ng acrobatic stunts. Mag-Plana Forma, mag-yoga, mag-anti-gravity yoga, mag-swimming na parang si Arielle ang more.

Ai Ai at Marian, tinuruan pa ng mga chinese stunt men (Sa mga eksenang lumilipad sa ere)

TALAGA yatang kasali na sa trabaho ng mga artista, lalo na ang mga aktres o babaeng gaganap ang maging flexible sa kanilang mga papel na ginagampanan.

At dito sa Kung Fu Divas, hindi nagpahuli ang nagsasamang sina Ai Ai delas Alas atMarian Rivera sa paglipad-lipad din nila sa ere sa tunggalian nila sa maraming bagay.

Ayon sa dalawang ‘reyna na eh, divas pa’-grupo nga raw ng mga Chinese stuntmen ang nagturo ng routines nila at nag-train sa kanila ng walang sawa sa mga gagawin nila, gaya ng paglipad na naka-harness na siyang ginawa ni Ai Ai in some scenes. Ang nagturo naman sa dalawang divas ay si Larry Ang, na isang Filipino-Chinese fight director.

According to direk Onat Diaz, si Larry na ang kumuha ng mga kasama niyang stunts crew para magturo ng routine kina Ai Ai at Marian. ‘Yun nga lang, sabi ni Marian, iniintindi na lang nila ang mga action na itinuturo sa kanila dahil hindi nagsasalita ng English ang kanilang mga stunt crew. Na in-import pa from Guangzhou, China.

Say naman ni Ai Ai, familiar naman siya sa mga ganoong klase ng action scenes dahil matagal na siyang fan ng mga Chinese movie nina Jacky Chan, Jet Li, at Zhang Ziyi.

Kung nagkaroon ng mutual admiration society ang nagsama sa  Momzillas na sinaEugene Domingo at Maricel Soriano, rito naman sa  Kung Fu Divas, walang nangyaring m.a.s. sa mga bida.

Ipinaliwanag lang ni Ai Ai kung paano nilang nakilala ng lubos si Marian. At hinahanap naman daw nila rito ‘yung mga naunang nabalitang mga ka-negahan sa aktres pero wala naman ni ga-hiblang katotohanan ang mga nabalita.

Sukli naman ni Marian, ”’Yun nga ang sinasabi ko. Hangga’t hindi ako nakakasama o nakikilala ng personal ng isang tao, hindi niya talaga mapatutunayan kung ano at sino ako. Kaya, natutuwa ako gaya ng mga ganitong pagkakataon. Kasi, nag-gain ako ng totoong kaibigan kay Ate Ai.”

Silang dalawa ni Ai Ai ang nagsosyo para ma-produce ang pelikula sa tulong ng Reality Films at Star Cinema.

Kaya, wala silang t.f.!

Ang panalangin lang ni Marian eh, ang kumita ang pelikula nila. Dahil iti-treat niya raw ang buo niyang pamilya, sa isang trip when that happens. Sa isang mas bonggang trip that is!

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *