Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pinky Amador Abot Kamay Na Pangarap

Pinky aminadong nagulat sa taas ng ratings ng Abot Kamay Na Pangarap

RATED R
ni Rommel Gonzales

BAHAGI si Pinky Amador ng Abot Kamay Na Pangarap na gumaganap siya bilang kontrabidang si Moira Tanyag.

Ang GMA Afternoon Prime series ang isa sa pinaka-nangungunang serye ng Kapuso Network pagdating sa ratings at online views, kaya tinanong namin si Pinky kung ano ang pakiramdam na maging bahagi ng naturang programa.

“Actually, we never expected na magiging ganitong ka-hit ang ‘Abot Kamay na Pangarap.’

“Like, every soap, ‘di ba ang pinaplano riyan 14 weeks, 16 weeks. Actually noong opening namin 18 weeks, pero dahil sobrang ganda ‘yung ratings tapos I guess it’s because it’s the first time na nagkaroon ng medical drama, ‘di ba, it’s a first of its kind, so actually lahat kami nagulat, nagulat kaming lahat. 

“Parang, ‘ano’ng mayroon, bakit ganoon?’ So even ‘yung characters namin, habang nae-extend nagbabago rin, so iyon.

“And it feels great! We’re all so humbled, na parang we have a hit tapos magwa-one year na kami, September 5one year na kami.

“And so far I think we’re extended till then and most probably till after po, kasi tuwing nagpe-present sila sa management… parang hindi na nga tinatanong eh, approved agad. Parang hindi na tinitingnan ‘yung mga number, approved na agad.”

Alam na ba nila kung hanggang kailan ang extension ng Abot Kamay Na Pangarap?

Actually alam namin but we’re not allowed to say, bawal, alam niyo na,” ang nakangiting rebelasyon ni Pinky.

Pagpapatuloy pa ni Pinky, “With a possibility of another extension, kaya medyo ano, stand-by muna ‘yung mga buhay namin, ‘di ba, stand-by muna, kasi sayang naman, nandiyan na, eh.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …