Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 19)

 NAGSIKIP ANG DIBDIB NI MARIO SA KWENTO NI BALDO KUNG PA’NO BINUWAG  ANG PIKETLAYN AT HINULI SI KA LANDO

Kaya marahil may benda ang kanang braso ni Baldo, naibulong ni Mario sa sarili.

Nagtatagis ang mga ngipin ni Baldo sa pagsasalarawan ng naganap na mga kaguluhan sa piketlayn.  Sabi, biglang naglundagan sa mahabang trak ang mga bayarang goons na armado ng pamalong kahoy at tubo.  Nasorpresa ang mga manggagawa kaya karamihan ay hindi naidepensa ang sarili sa walang habas na paghataw ng matitigas na bagay.  Hindi iilan umano sa mga manggagawa ang nagkapasa-pasa, nasugatan, at naputukan ng ulo sa halihaw na pamamalo ng nakararaming pwersa.

“Tapos,biglang dating ang mobile car ng mga pulis at pinag-aaresto ang mga opisyal at miyembro ng unyon. Una na si Tatay Lando sa mga pinosasan,” ang mangiyak-ngiyak na banggit ni Baldo. “At ang bintang, tinatakot at hina-harass daw namin ang mga trabahador na gustong maghanapbuhay.”

Pinagluwag ni Mario ang paninikip ng dibdib sa paglanghap ng maraming hangin.

“Ano nga pala’ng sadya, Mar?” naitanong sa kanya ni Baldo.

“Gusto ko lang makibalita…”

“Ganu’n nga ang nangyari…”

Nang palabas na si Mario sa barung-barong, dala na rin marahil ng binhi ng paghihimagsik sa puso ni Baldo ay malakas itong napasuntok sa dingding.

“Mga hayup sila. May araw din sila!” bulalas nito.  (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …