Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang Hugot Azi Acosta

Benz Sangalang, sumabak sa matitinding lampungan sa Hugot

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng guwapitong hunk actor na si Benz Sangalang.

Tatampukan niya ang pelikulang Hugot kasama sina Azi Acosta, Stephanie Raz, Apple Castro, at Jiad Arroyo. Also starring Mark Anthony Fernandez, Joko Diaz, Julio Diaz, Mickey Ferriols, Isadora, at iba pa.

Nagkuwento si Benz sa pelikula niyang Hugot. “Ako po si Cocoy Basibas dito, sa akin po tumatakbo ang istorya. Tungkol po sa basketball ang pelikula. Bale, hinuhugot po ako sa basketball, yung parang import ako sa mga liga sa barangay, parang ganoon po.”

Pero may double meaning ito, tama ba? “Siyempre po, Vivamax eh,” nakangiting wika niya. “May hinuhugot po akong iba rito, bukod sa basketball,” natatawang dagdag pa ni Benz.

Iba’t ibang sexual positions ang nasubukan niya sa pelikula, na-experience ba niya ito mismo or napanood lang sa sexy movies?

Esplika ni Benz, “Hindi naman lahat ay sinusubukan ko, pero siyempre, kalahati roon ay na-experience ko. Iyong iba ay parang experiment na lang, para mas… napapanood ko rin po kasi iyong iba, sa ilang movies din, eh.”

Mainit ba ang love scene nila ni Azi rito? “Oo, mainit din po yung love scene namin ni Azi rito. Kasi yung last movie namin ay parang bitin eh, sa Sex Games. Kasi ay seminarista ako roon at si Azi ay madre naman. Parang mild doon e, tame kami roon. Pero rito sa Hugot ay wild na talaga, bigay-todo na talaga,”sambit pa ng barakong talent n Jojo Veloso.

Ang Hugot ay pelikula ng Vivamax director na si Daniel Palacio, panoorin ito streaming exclusively sa Vivamax simula June 30, 2023.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …