Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navo, nanguna sa SLP-Team Philippines sa HK swimfest
KASAMA nina Cavite Sea Beast Swimming Team coach (kaliwa) Shomer Sanding, SLP-Delegation head Marlon Dula, at Hans Rafael Sumalde sina Richard Nielson Navo and at Beatrice Larrobis, top performers, sa SLP-Philippine Team matapos magwagi ng kabuuang tatlong ginto, tatlong silver at dalawang bronze medal sa Hong Kong tournament.

Navo, nanguna sa SLP-Team Philippines sa HK swimfest

KUMABIG ang Swimming League Philippines (SLP) -Philippine Team ng kabuuang 10 medalya, tampok ang apat na ginto kabilang ang tatlo mula sa top performer na si Richard Nielson Navo sa katatapos na Hong Kong Stingrays Summer Sizzler invitational swimming championship sa Hong Kong Olympic Swimming pool.

Humirit ang 15-anyos na si Navo, pambato ng South Warriors Swimming Team, sa boys 15-under class 50m backstroke sa ti8yempong 31.73 segundo, gayondin sa 100m breaststroke (1:19.83) at 50m freestyle (27.75) para pangunahan ang koponan na binuo mula sa serye ng mga torneo ng Swim League Philippines (SLP), sa  pagtataguyod ng Ang Lechon Manok ni Sr.Pedro, Mary Grace Café, Lorins Patis, Lorenzana Corporation, Blueresca Angels, at MFV Architectural Design and Services.

Dinugtungan ni Raina Samantha Leyran, Palarong Pambansa qualifier ngayong taon, ang ratsada ni Navo matapos pagbidahan ang girls 13 & over 15-under 50m butterfly sa tiyempong 30.04 segundo. Nasungkit din niya ang bronze medal sa 50-m back at bahagi ng 200m girls medley relay (bronze) at 200m mixed medley relay.

Nag-ambag si Kendra Beatrice Larrobis ng Cavite Sea Beast Swimmimg Team ng isang silver sa girls 14-over 50-m butterfly.

“Masayang-masaya kami dahil sa ipinakitang determinasyon ng ating mga batang swimmers. Hindi matatawaran ang karanasan na nakuha ng mga bata rito at ang mga medalyang napagwagihan and nagpadoble sa kasiyahan ng buong delegasyon,” pahayag ni team head delegation coach Marlon Dula.

Humirit ng bronze medal si Hannah Magale sa girls 14 years old 50m breast para madagdagan ang nakamit na silver medal sa 200m girls medley relay; dalawang bronze ang naiuwi ni Elijah Ebayan sa boys 14 years old 50m fly at 50m back; kumana si Marc Bryan Dula ng bronze sa boys 16 years old 200m mixed medley relay; bronze si Feriz Gabriel Espano sa 15 years old 50m back. (HATAW Sports).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …