Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo

Rabiya lilipad ng Amerika sa Nobyembre para hanapin ang ama

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI raw galit si Rabiya Mateo sa kanyang ama kahit iniwan sila nito noong limang taong gulang pa lamang ang Miss Universe Philippines 2020.

“Hindi, hindi na po galit, hindi na.”

Noong panahon na nanalo si Rabiya at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe sa Amerika noong May 2021, bakit kaya hindi gumawa ng paraan ang kanyang ama (ang Indian-American national na si Mohammed Abdullah Syed Moqueet Hashmi) para makita siya gayung doon ito nakabase?

Marami rin po ang nagsabi niyon, pero ako po parang positive energy pa rin ‘yung mayroon ako in my heart. Na he has his reason kung bakit and instead of judging him I need to understand him.

“Kasi matanda na po ako, kung magagalit ako sa tatay ko ako lang din po ‘yung matatalo.

“That pain can turn me into a monster.

“So ngayon gusto ko lang ma-meet siya kasi wala naman po akong kailangan sa kanya, I have money na, naka-provide na ako sa pamilya ko, I just wanna know him.

“And I just wanna know if he’s okay kasi kung hindi, I’m gonna be the daughter that he needs,” ang nakangiting sinabi pa ni Rabiya na nagpaplanong lumipad patungong Amerika sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama.

Kung sakaling hindi na niya makita pa ang ama kahit kailan, nakahanda naman ang kalooban ni Rabiya.

I’m gonna be very sad about it pero ipapasa-Diyos ko na lang.

“If hindi ko na siya makikita, babawi na lang ako sa pamilyang bubuuin ko.”

Samantala, gaganap si Rabiya bilang si Tasha sa Royal Blood ng GMA.

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy kasama sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret). May mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.

Nasa cast din sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil). 

Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).

Mapapanood ito simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …