Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Joey de Leon

Manay Lolit naawa kay Joey, ramdam ang lungkot  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIINTINDIHAN ko kung bakit ramdam ng talent manager na si Lolit Solis ang lungkot ni Joey de Leonkapag ang usapan na ay ang ukol sa Eat Bulaga. Bukod sa katrabaho ito, naging kaklase niya at kaibigan ito. 

Kumbaga, kilala na niya si Joey noon pa mang wala pa sila sa showbiz. Maliliit pa sila. Nasa elementarya pa sila.

Anyway, nasabi nga ni Manay Lolit na ramdam niya ang kalungkutan ni Joey kapag nakikipag-usap ito sa mga showbiz writer at reporter. Ito ay inihayag ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account kahapon.

Panimula ng talent manager, “Naawa naman ako Salve kay Joey de Leon dahil talagang na sad siya sa mga nangyayari ngayon.

“Very sentimental si Joey de Leon kaya mababa ang luha niya. Teary eyed siya pag kausap ng mga showbiz writers kaya naman feel ng lahat ang sadness niya.”

Maging ang kaibigan at kasamahan nito sa EB na si Vic Sotto ay hindi rin daw nakaka-move on sa pagre-resign nila sa TAPE at sa pagbabu nila sa kanilang noontime show sa GMA 7.

Ani Manay Lolit,   “Kahit nga si Vic Sotto sabi ni Pauleen Luna talagang naging tahimik nang matagal tuwing sasapit ang oras ng tanghali. Buti na lang at nandiyan si Talitha na pinasasaya siya lagi.

 “Siyempre nanduon pa rin iyon feeling mo na magkasama kayong lahat together. Naku matatagalan talaga maka recover dito sa nangyari sa Eat Bulaga.

“Tutoo nga, mabu Bulaga ka sa mga magaganap na eksena. Hindi mo akalain ha, pagdating pa ng 40 years mangyayari ang ganito. Ayaw ni Talitha niyan, hindi bongga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …