Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Maja Salvador

Vic palagay agad ang loob kay Maja; hanga sa galing umarte, kumanta, sumayaw

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL sa isang convenience store iikot ang istorya ng Open 24/7, tinanong namin si Vic Sotto kung sa tunay na buhay ba ay nakapasok o nakabili na siya sa loob ng isang convenience store.

Ahhh pinakahuling punta ko sa convenience store sa Lawson, bandang Osaka kanto ng Tokyo,” pagbibiro ni Vic na pagtukoy sa Lawson na isang convenience store chain na nag-originate sa Amerika pero ngayon ay sa Japan na ang pinaka-main base.

Hindi, yung mga ano, siyempre naman,  kunwari mga, ano ba pangalan ng mga convenience store, ‘yung mga 7-Eleven, Family Mart, nakabili na ako, nakakapunta naman ako.”

At dahil unang beses nilang magkakasama ni Maja Salvador sa isang sitcom, kinumusta namin kay Vic kung paano katrabaho ang aktres.

Ay naku,” umpisang bulalas ni Vic, “grabe!

“Si Maja naman we were together for almost two years eh, sa ‘Bulaga’ ano, sa ‘Eat Bulaga,’ so, tapos kababata pa niya si Pauleen (Luna na misis ni Vic), close sila, so hindi na siya iba sa akin, eh.

“So when we…noong nagka-casting kami, kasama si Maja, palagay na kaagad ang aking loob dahil alam ko naman, alam natin na she’s a versatile actress.

“Hindi lang magaling umarte, magaling kumanta, magaling sumayaw, ewan ko lahat na, eh.”

Makakasama nina Bossing Vic (as Boss EZ) at Maja (as Mikaela)  sa Open 24/7 sina Jose Manalo bilang Spark, ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo bilang Kitty at Allen Ansay bilang Al at sina Riel Lomadilla bilang Bekbek, Anjay Anson bilang Andoy, Kimson Tan bilang Kokoy, Abed Green bilang Fred, at Bruce Roelandbilang Doe.

Sa direksiyon ni JR Reyes at mula sa GMA at M-Zet Productions napapanoood ito tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Magpakailanman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …