Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, tama ang suhestiyong pumareha si Marian kina Lloydie at Coco (Para maiangat ng kaunti ang career ng aktres)

NATAWA kami roon sa sinabi ni Ai Ai delas Alas noong press conference nila ng Kung Fu Divas. Sabi niya, pinayuhan daw niya si Marian Rivera na gumawa ng pelikulang kasama si John Lloyd Cruz o kaya si Coco Martin, kasi tiyak na magiging malaking hit iyon, at sososyo raw siya sa producers niyon kung sakali, kasi nga alam niya kikita eh.

Palagay namin, very valid nga ang suggestion na iyon ni Ai Ai, kailangan nga siguro ni Marian na makasama naman ang mga siguradong box office stars, lalo na nga si John Lloyd na lahat yata ng mga pelikulang ginagawa ay tumatabo sa takilya. Iyan kasing si Marian, kahit na nga sinasabi ng kanyang home network na prime time queen siya sa kanila, isang katotohanan na mahina siya pagdating sa pelikula. Iba kasi ang audience talaga ng TV at pelikula. Iyong mga nanonood ng pelikula ay kailangang magbayad.

Iyang Kung Fu Divas na iyan, tiyak kikita iyan dahil kay Ai Ai. Isa pa rin naman iyang si Ai Ai na ang lahat ng gawing pelikula ay kumikita, at saka siya ay galing sa isang napakalaking hit na pelikula, na sumira sa mga box office records. Si Ai Ai nga yata ang katapat ni John Lloyd sa takilya eh.

Si Marian, masakit man sigurong aminin pero flop ang kanyang huling pelikula. Hindi naman na-pull out pero napakahina. Siguro isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit siya pinayagan ng Regal at ng GMA na gawin iyang Kung Fu Divas eh, kasi kailangan niyang makagawa ng isang hit movie na hindi nila nagagawa para sa kanya. Magandang diskarte naman iyang makasama siya ni Ai Ai.

Hindi rin naman siguro siya kayang angatin ng isang pelikulang ang partner niya ay ang syota niyang si Dingdong Dantes, dahil iyong huling pelikula niyon, nilamok kami sa loob ng sine. Naglakas loob ba namang sumabay kay Superman eh, ‘di binugbog nang husto ang pelikula niya.

Kaya tama si Ai Ai, ang dapat na makatambal niya ay sina John Lloyd o kaya si Coco para umangat nang kaunti pa ang kanyang career. Kaso, papayag ba naman ang ABS-CBN na ang kanilang stars ay magamit sa pag-angat ng isang artistang hindi naman kanila?

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …