Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matteo Guidicelli Ruru Madrid

Matteo excited na sa pagsasama nila ni Ruru sa Black Rider

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI nawawalan ng pag-asa si Matteo Guidicelli na balang-araw ay magkakaroon din ng kaayusan sina Sarah Geronimo at ang mga magulang ng misis niya.

Sabi nga ni Matteo, ‘At the end of the day, family is family.’

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, napag-usapan ang relasyon ni Matteo sa ina at ama ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Iniulat noon na tutol ang mga magulang ni Sarah sa pagpapakasal niya kay Matteo.

I’d like to believe madam na things will be ok in time,” ani Matteo. “I think lahat naman ng bagay sa buhay, hindi puwedeng pilitin. Timing-timing lang.”

Patuloy ng balik-Kapuso na si Matteo, “Sana balang-araw maging OK ang lahat. Not just for me but for Sarah’s peace of mind. Kasi at the end of the day, family is family.”

Pebrero 2020 nang maganap ang kontrobersiyal na kasalan nina Matteo at Sarah, sa kabila umano ng pagtutol ni Mommy Divine.

Nitong Oktubre, gumawa ng mensahe si Sarah para sa kanyang pamilya at humingi ng paumanhin ang singer-actress na nasaktan niya ang mga ito sa kanyang naging desisyon sa buhay.

Ilang araw matapos ang kanyang contract signing sa GMA, sumabak na agad si Matteo sa kanyang first assignment bilang Kapuso.

Noong May 15, pormal na siyang ipinakilala bilang bagong host ng GMA flagship morning show na Unang Hirit, na nagpakitang gilas agad siya sa pagluluto ng Italian food.

Nakilala at nakasama na niya ang UH barkada sa studio na sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, Mariz Umali, Atty. Gaby Concepcion, Shaira Diaz, at Kaloy Tingcungco.

Bukod sa UH barkada, excited na rin si Matteo na makatrabaho ang iba pang Kapuso stars tulad ni Ruru Madrid na makakasama niya sa upcoming action series na Black Rider na ipo-produce ng GMA Public Affairs.

Sa nakaraan niyang media conference, ibinahagi pa ni Matteo ang iba pang GMA artists na gusto niyang makatrabaho.

Aniya, nais niyang makasama sa isang proyekto sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, at Ryan Agoncillo na kapwa niya motorcycle enthusiast.

Ipinahayag din ni Matteo na wish niyang makasama on screen ang fitness buddies niya na sina Drew Arellano, Iya Villania, Solenn Heussaff, at maging ang asawa ng huli na si Nico Bolzico

Samantala, nakatakdang mag-host si Matteo ng isang docu sa GMA Public Affairs at sports special sa ilalim ng GMA Synergy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …