Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSC Laro ng Lahi
TINANGGAP nina (mula kaliwa pakanan) Ifugao Provincial Executive Assistant Agustin Calya-en, Aguinaldo, Ifugao Mayor Gaspar Chilagan, Jr., at Ifugao Provincial Governor Jerry Dalipog ang ilan sa mga sports equipment na donasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) mula kina Commissioner Olivia “Bong” Coo, Commissioner Edward Hayco, at Deputy Executive Director Anna Christine Abellana, bago ang paglulunsad ng Laro ng Lahi Program sa Ifugao sa 26-28 Mayo 2023. (HENRY TALAN VARGAS)

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum of agreement (MOA) noong Biyernes, 12 Mayo sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila, para sa isasagawang “Laro ng Lahi” na nakatakda sa 26- 28 Mayo 2023 sa Lagawe, Ifugao.

Ang PSC ay kinatawan nina Women in Sports program oversight Commissioner Olivia “Bong” Coo at Commissioner Edward Hayco. Sinamahan sila ni Ifugao Governor Jerry Dalipog, C.E. sa simpleng seremonya.

“Pagkatapos ng serye ng coordination meetings sa probinsiya, masaya kami na sa wakas ay magpapatuloy ang ating inaugural leg. Nagpapasalamat kami kay Gov. Dalipog sa partnership na ito,” pahayag ni Commissioner Coo.

“Ito ang unang pagkakataon, tiyak na makatutulong ito sa ating lalawigan, at makatutulong sa ating kabataan sa kanilang pisikal at mental na kalusugan,” ani Gov. Dalipog.

Ang PSC Laro ng Lahi sa Ifugao ay magtatampok ng limang regular sports gaya ng boxing, wushu, wrestling, weightlifting, at taekwondo, kabilang ang siyam na katutubong laro katulad ng Labba Race, Guyyudan (Tug of war), Kadang-kadang, Dopop di Babuy, Munbayu, Hanggul, Huktingan, Bultung, at Dopap di Manuk.

Layunin ng national sports body na suportahan at tulungan ang lalawigan ng Ifugao na bumuo ng local sports program. Ang “Laro ng Lahi” ay magiging bukas sa lahat ng interesado kabilang ang mga out of school youth (OSY) at miyembro ng katutubong komunidad sa lalawigan.

Nagkalood ng donasyon ang ahensiya ng ilang sports equipment sa lalawigan bago ang paglulunsad ng programa.

Naniniwala si Commissioner Coo, ang idaraos na proyekto ay magiging isang mabuting paraan upang matuklasan ang mga potensiyal na pambansang atleta at sa gayon ay palakasin ang pambansang training pool.

“Karamihan sa mga matagumpay nating national athletes ay mga homegrown talents mula sa mga probinsiya, sa Laro ng Lahi, layunin nating palawakin pa ang ating talent pool lalo sa mga babaeng atleta sa buong bansa,” pahayag ng lady commissioner.

Dumalo sa MOA signing sina PSC Deputy Executive Director Anna Christine Abellana, Philippine long jump queen at WIS consultant Elma Muros-Posadas, habang kinatawan ni Aguinaldo, Ifugao Mayor Gaspar Chilagan, Jr., at Executive Assistant Agustin Calya-en ang probinsiya ng Ifugao. (HTV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …