Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, nagpagupit para alisin ang negative vibes

NEW look si Claudine Barretto nang makausap namin last Wednesday, September 11, sa Marikina Regional Trial Court sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kanilang kaso na Permanent Protection Order laban sa dating asawang si Raymart Santiago.

Kuwento niya ukol sa kanyang bagong hairstyle, ”Wala lang. Ano lang panibagong buhay look. Light lang.”

Simbolismo ba ito ng pagtanggal niya ng mga negativity? ”Yes, yes definitely,”natatawang sagot niya.

Gaano ka-negative ‘yung mga buhok na natanggal? ”Sobra, kasi ang haba ‘di ba?”pagbibiro muli nito.

Kailan kaya niya naisip  na mag-iba ng hairstyle?

“A few days ago, pagkalabas ng mga anak ko sa ospital, nagpaalam lang ako ng isa, dalawang oras.”

Matatandaang sunod-sunod na na-ospital sina Sabina at Santino noong mga nakaraang Linggo.

Sa social media na Instagram, palaging ipino-post ni Claudine ang mga report card nina Sabina at Santino. Matataas daw ang marka ng dalawa sa kanilang school kaya very proud mom siya sa mga anak. Pagmamalaki niya, ”Yes,  I’m very proud of my kids, napakataas ng  grades nila. I can’t ask for more, I’m really, really thankful dahil masipag ‘yung mga anak ko. Kumbaga masipag mag-aral, obedient ‘yung mga anak ko, they’re very, very responsible.”

Siya ba mismo ang nagtu-tutor?

“Mayroon silang tutor na very respectful na itinuturing na nilang parang nanay na rin. But also nariyan din ako pagkauwi, nire-review ko sila, importante rin ‘yung magulang na nakatutok sa mga anak, kasi ano ba naman ang role natin kung hindi tumutok din sa mga anak natin?”

Pasado 1:00 p.m. pa lang ay dumating na si Claudine sa Marikina RTC kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio para sa 2:00 p.m. hearing. Ilang minute naman ay dumating na rin ang abogado ni Raymart at nagsabing darating din daw ito.

Handa ba siya sa muli nilang paghaharap ng estranged husband? ”Ready ba siya?”nakangiting sagot nito.

Tumagal ang hearing ng halos dalawang oras at kalahati pero hindi na namin alam ang nangyari sa loob ng korte dahil bawal ang media. Ang tanong ngayon, saan kaya hahantong ang court battle na ito ng dating mag-asawa? (ARNIEL SERATO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …