Wednesday , November 27 2024
Sean de Guzman

Sean de Guzman, husay ng acting sa pelikulang Fall Guy ibang level

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TINATAMPUKAN ni Sean de Guzman ang Fall Guy, isang pelikulang sumasalamin sa ating lipunan. Ito’y mula sa respetadong direktor na si Joel Lamangan.

Ang bidang si Sean ay nagpakita ng kakaibang level nang husay sa pag-arte rito, kaya naman nanalo siya ng Best Actor sa Chithiram International Film Festival sa India at sa Anatolian Film Awards sa Turkey para sa nasabing pelikula.

Si Sean ay gumaganap bilang si Julius Sumpay, laking iskuwater. Hiwalay ang kanyang mga magulang. Namamasukan siya bilang caretaker sa ancestral home ng pamilya Garcia. Katulong din dito ang kayang ina na si Lourdes (Shamaine Buencamino). Pinapangarap ni Julius na mamuhay din nang marangya tulad ng kanyang boss na si Fonzy (Vance Larena), kahit lagi naman siyang pinaaalalahanan ni Lourdes na huwag sumali sa kanila.

Pero dahil amo niya ito, kung nasaan si Fonzy ay nandoon rin siya. Dahil malaya siyang magsaya sa party nila Fonzy, tila “belong” na rin siya sa kanila. Pero isang pangyayari ang sasampal ng katotohanang hindi ito totoo.

Pagkatapos ng isang party, nagising si Julius sa tabi ng babaeng wala nang buhay. Si Jenie (Cloe Barreto) ay ginahasa at namatay sa mga kamay nina Fonzy at ng kanyang mga kaibigan. Laking gulat na lamang ni Julius na siya na ang itinuturong kriminal.

Ipinapakita ng Fall Guy ang mapait na katotohanang nagagawa ng mayayamang abusuhin ang kanilang kapangyarihan para matakasan ang parusa, habang ang mga pobreng walang kasalanan ay nagdurusa at hirap makakuha ng hustisya.

Sa kaso ni Julius, malilinis pa kaya niya ang kanyang pangalan kung katarungan rin ang isinisigaw ng nagluluksang nanay ni Jenie na si Beth (Glydel Mercado)?

Base sa napanood namin sa private screening ng pelikulang ito, talagang markado ang role ni Sean bilang biktima ng injustice ng mga taong mayayaman at makapangyarihan.

         Kaya ang mga kapatid sa press na kasama naming nanood nito ay nagsabi na iba na ang level ng acting ngayon ni Sean.

         Ano ang reaction niya rito?

         Bulalas ng aktor, “Sa totoo lang po, nakagugulat talaga, dahil wala akong ine-expect na award, tapos ay international filmfest pa ito, hindi ba?”

         Dagdag ni Sean, “Sobrang nakatataba ng puso, kasi may nakakapansin na kumbaga, ng talent natin.”

Pahabol niya, “Wish ko po ay ma-recognize rin ako rito sa ating bansa, kasi iba pa rin ‘yung mga nakakapanood dito sa Filipinas na mas ma-appreciate nila ito. Iba ‘yung pakiramdam kasi rito kapag pinanood nila ‘yung pelikula.”

Mula sa panulat ni Troy Espiritu, ang Fall Guy ay tinatampukan din nina Tiffany Grey, Marco Gomez, Quinn Carrillo, Tina Paner, Mark Cardona, Hershie de Leon, Jim Pebanco, at marami pang iba.

Mapapanood sa Vivamax simula May 12, 2023. Punta na sa web.vivamax.net. Maaari rin mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.

         Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc. Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan. Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.

About Nonie Nicasio

Check Also

Aga Muhlach Nadine Lustre Vilma Santos Uninvited

Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Vilma Santos, pasabog pagganap sa MMFF entry na ‘Uninvited’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AFTER 30 years ay muling nagsama sa pelikula sina Aga …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John sinaniban ni April Boy Regino

MA at PAni Rommel Placente SI John Arcenas ang gumaganap na April Boy Regino sa biopic ng namayapang singer …

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Julia Montes Zia Grace Saving Grace

Julia, Zia nagpa-iyak; Coco, ‘di nakapagpigil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGKAIYAKAN ang mga nanood ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Saving Grace na pinagbibidahan …