Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya sa carinderia nagdaos ng monthsary

MA at PA
ni Rommel Placente

MONTHSARY nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales noong April 21. Simple lang nila itong ipinagdiwang. Kumain lang sila sa isang carinderia sa may Espana. O ‘di ba, ordinaryong tao muna ang peg nina Rabiya at Jeric.

Wala silang pakialam na sa carinderia lang kumain instead na sa isang mamahalin o sikat na restaurant.

Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Rabiya ang simpleng monthsary celebration nila ng ni Jeric. Sa 42-second video, ay makikita ang magkasintahan na kumakain.

Pagbabahagi ni Rabiya, “Ito na nga, nagse-celebrate kami ng aming monthsary sa aming paboritong carinderia sa may España—ang Aling Tenyang’s.

“At ako ay nag-order ng lugaw at siya naman ay pares.

“Nag-order din kami ng dalawang piraso ng lumpia at ng aming paboritong tokwa’t baboy.”

Bagaman at mabilis ang roll ng video, may eksenang sinubuan pa ni Jeric si Rabiya.

Sinabi rin ng aktres na sobrang sarap ng mga pagkain doon.

“Super sulit ng pera ninyo.

“Kami, ang nagastos lang yata namin is PHP177. At kita naman ninyo, guys, busog na busog kami. Enjoy na enjoy kami sa pagkain.

“Kaya totoo talaga yung sinasabi nila, guys, na simple things can be special when you have the right person in your life. Choose love!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …