Friday , November 15 2024
Dennis Padilla RK Bagatsing Rey Valera

Dennis umiwas sa press; RK inaming nagdalawang-isip sa biopic ni Rey Valera

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINABIHAN na pala ng kanyang management si Dennis Padilla na huwag nang magbigay ng saloobin lalo’t tungkol sa kanyang mga anak kaya halatang umiwas ito sa mga entertainment press na naghihintay sa kanyang paglabas sa comfort room para makapanayam.

Opo sa comfort room dahil nagsabi itong magsi-cr muna bago siya ma-interview ng mga entertainment media na naghihintay sa kanya. Ito’y pagkatapos na ng grand media conference na naganap para sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera na entry ng Saranggola Media at idinirehe ni Joven Tan at isa sa entry sa Summer Metro Manila Film Festival na magaganap simula Abril 8.

Napanis na kami sa kahihintay kaya naman dumiretso na kami sa Cinema 5 ng Gateway Cinema dahil mag-uumpisa na ang special celebrity screening ng pelikula at doon nadatnan namin si Dennis na nakaupo na kaya talagang wala pala kaming mahihintay na Dennis.

Anyway, isa si Dennis sa mga kasama sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera na pinagbibidahan RK Bagatsing kasama sina Christopher de Leon, Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza.

Ang pelikula ay tungkol sa mga kanta ng OPM legend at kung ano-ano ang kuwento sa likod ng mga komposisyon at kanta nito.

Napag-alaman naming dahil sa kantang Maging Sino Ka Man ni Rey sumikat ang isang Dennis Padilla.

Ani Dennis, memorable ito sa kanya. “Kasi ‘yung ‘Maging Sino Ka Man’ hindi lang as a song kundi memorable siya sa career ko.

“Kasi noong kinausap ako ni Boss Vic (del Rosario) nasa GMA 7 ako noon, sabi niya, ‘Bibigyan kita ng magandang role kasi ang tatay mo (Dencio Padilla), sidekick ni Fernando Poe, Jr. Ikaw gagawin kong sidekick ni Robin Padilla.

’Tapos, noong pumutok ‘yung movie, kasabay na ring pumutok ‘yung pangalan ko. At dahil sa movie na ‘yun, nanalo ako ng Best New Actor sa Star Awards,” pagbabahagi pa ni Dennis.

Sa pelikula, tampok sa kuwento ng kantang Maging Sino Ka Man si Dennis kasama sina Rosanna at Ronnie. Isang bayarang babae rito si Osang na in love na inlove si Dennis. Pero hindi siya pinapansin ni Osang. 

“Gusto kasi niya, may bayad. ‘Yung akin, libre!” natatawang sabi ni Dennis.

Paborito rin niya ang kantang Maging Sino Ka Man ni Rey gayundin ang Ako si Superman.

Sa kabilang banda, sa mediacon ko rin nalaman na may isinulat din palang kanta si Rey para sa mga beki, ito ang Walang Kapalit.

Kuwento ng award-winning singer-songwriter sa presscon, request ang Walang Kapalit  sa kanya ng namayapang comedian at TV host na si Ike Lozada.

Ipinakita rin ito sa pelikula  na ginampanan ng aktor at direktor na si Ricky Rivero (Ike Lozada).

Ito iyong tagpo sa pelikula na pinalakpakan.Bida sa eksenang iyon sina Gardo Versoza at Aljur Abrenica. Si Aljur ang gumaganap sa karakter ng isang stuntman na gustong-gustong sumikat bilang artista. Ang role naman ni Gardo ay ang beking nagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.

Malaki naman ang pasalamat ni Rey kay Direk Joven. Aniya, “Malaking bagay ito hindi lang sa akin. May statement na ginawa si Direk dito, na ang buhay ng isang nerd o isang introvert, puwede palang gawing pelikula.”

Inamin naman ni RK na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang role. “Siyempre kasi ang unang tinanong ko, sabi ko hindi naman talaga ako known to be a singer sabi kong ganyan. Tapos parang mag-i-start na yata ako ng show noon, may gagawin akong show at saka parang hindi rin aabot. 

Pero ipinaliwanag ni Direk Joven na ang kailangan ay ‘yung acting part kasi may nai-record na silang kanta. Pero even then, siyempre noong na-receive kong Rey Valera, kasi gustong-gusto ng nanay ko si Rey Valera and of course familiar tayo sa mga kanta niya at naririnig pa rin natin siya, sabi ko, ‘Sige gawin ko.’ 

“And ang pagkakaintindi ko it’s a musical and noong time na ‘yon marami akong ginagawa na hindi ko pa ginawa before. Noong pagkatapos ng pandemic sabi ko hindi ako magiging safe sa mga role na kukunin ko, gusto kong ma-challenge kaya nag-yes ako roon sa Rey Valera,” paliwanag ni RK.

Ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera ay mula sa Saranggola Media. Bukod sa Walang Kapalit at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, ang ilan pa sa mga Rey Valera songs na tampok sa pelikula ay angMaging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Pangako, Ako Si Superman, Mr. DJ, Tayong Dalawa, Malayo Pa Ang Umaga,at marami pang iba.

Kaya halina’t ma-LSS sa pelikulang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera na bukod sa mga kanta, mae-enjoy ninyo ang biopic ng magaling na singer/composer. Mapapanood ito simula April 8 sa mga sinehan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew Gan

Andrew Gan kinakarir pag-arte sa stage play

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin …

Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz Dahlia Erwna Heussaff Anne Curtis

Jasmine aminadong naiinggit kay Anne na mayroon ng Dahlia

RATED Rni Rommel Gonzales NAITANONG kay Jasmine Curtis-Smith kung ano ang reaksiyon ng boyfriend niyang si Jeff Ortega sa …

GMA christmas station id 2024

GMA bosses, A Lister star pinagsama sa GMA Christmas Station ID

I-FLEXni Jun Nardo UMERE na  last Monday night ang GMA Christmas station ID. Pinagsama ang GMA …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …