Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

MAS malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng mga Kapatid viewer ng kanilang mga paboritong TV5shows dahil available na ang network in high-definition (HD) sa pay TV via Cignal Channel 15 simula April 1.

Ma-e-experience na ang TV5 HD at ang mga exciting entertainment, news, at sports programs nito na magle-level up sa TV viewing at bonding ng buong pamilya. Ilan sa mga engaging shows na mae-enjoy sa TV5 HD ay ang highly-rated drama action series na FPJ’s Batang Quipo na laging trending every weeknight at ang mga bagong sitcom na Team A at Kurdapya na maghahatid ng walang humpay na tuwa at katatawanan tuwing Sabado ng gabi.

Mas malinaw din sa TV5 HD ang panonood ng mga balita sa Frontline Pilipinas at Frontline Tonight,pati na rin ang action-packed PBA games na ma-eenjoy ng viewers ang mala-front-row access sa live hardcourt action in the comfort of their homes.

Hindi lang dyan nagtatapos ang saya dahil hatid din ng TV5 HD ang iba pang mga ABS-CBN programs tulad ng mga primetime series na Dirty Linen at The Iron Heart, ang paboritong noontime show ng madlang people na It’s Showtime, ang iconic Sunday variety show na ASAP Natin ‘To, at marami pang iba. Tampok din ang kuwelang kulitan sa Tropang LOLna mapapanood araw-araw mula Lunes hanggang Sabado bago mag-It’s Showtime sa TV5 HD.

“We are committed to provide the best possible viewing experience for our Kapatids wherever they are and however they choose to watch their favorite TV shows. With our very own TV5 channel now available on ultra clear, digitally enhanced, high-definition quality on TV5 HD, we guarantee a leveled up viewing satisfaction that will make audiences love our shows even more,” pagbabahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

Panoorin ang mga paborito mong Kapatid at Kapamilya shows like never before! Mas malinaw, mas detalyado at in high definition format sa TV5 HD, available sa Cignal Channel 15 simula April 1. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …