Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Pablo

Sofia tanggap na ng netizens pagkakaroon ng ka-loveteam

I-FLEX
ni Jun Nardo

ALAM ng Sparkle loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na hindi forever ang kanilang loveteam.

Pero nakatulong ang loveteam nila para mapansin ng Derm Clinic at dalawa sila sa kinuhang latest endorsers pati na GMA artist na sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at beauty queen Kelly Day.

Katatapos lang nila ng Love Is: Caught In His Arm at may follow up na silang series.

May relasyon na ba sila?

Ha! Ha! Ha! We’re very close friends po. Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Allen.

Sa natapos nilang series, natutuwa si Sofia kay Allen dahil kahit galing siya sa isang probinsiya sa Bicol, puwede pa rin siyang gumanap bilang mayaman at Inglisero.

Malapit nang maging 17 years old si Sofia. Eh kung noong 13 years old pa lang, nakatatanggap siya ng hate comments na ke bata-bata pa lang, may loveteam na.

Pero ngayon, “Nawala na po ‘yung ganoong ccomments dahil naintindihan na nilang trabaho lang po ‘yung ginagawa ko!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …