Thursday , January 9 2025

Raymond, hands-on sa kanyang trabaho sa Showbiz Police

MARAMING nagandahan sa pilot episode ng Showbiz Police noong Sabado na hindi namin napanood kaya sa Youtube na lang namin ito pinanood.

Naaliw kami sa interbyu ni MJ Marfori kay Charice at girlfriend niyang si Alyssa dahil napaka-kaswal na ikinukuwento ng international singer ang disenyo ng bagong bahay na ipinagagawa nila.

Ayon kay Charice, nakiusap siya sa nagpipintura ng bahay na hindi niya type ang kulay pink pero wala siyang magawa sa gusto ni Alyssa na ang disenyo ng banyo nila sa masters bedroom ay Hello Kitty.

Nadulas din si Charice na mag-aanibersaryo na sila ni Alyssa sa Oktubre 10 na ngayon lang nalaman ng publiko kaya nakalamang ang Showbiz Police rito.

Isa pang nagustuhan namin ay ang interview ni Raymond Gutierrez sa Ate Ruffa at sa twin brother niyang si Richard dahil sa unang pagkakataon ay nagharap silang tatlo na hindi pa nangyari sa ibang estasyon.

Aliw ang biruan nina Raymond at Ruffa dahil muntik mag-walk out si Richard sa tanong kung totoong may additional member na sa Gutierrez family na pinigilan ng TV host/actress ang aktor at sinabi ni Mond (tawag kay Raymond) ng, “tama ate, we don’t need another walk-out here (‘Showbiz Police’) kasi nga naman, nauna ng nag-walk out noon ang mommy nina Lorin at Venice sa ‘Paparazzi’ dalawang taon na ang nakararaan.

Hindi kasi inaasahan ni Richard na tatanungin siya ng kakambal niyang si Raymond ng tungkol sa lovelife niya.

Bagamat hindi napaamin si Richard ng tungkol sa umano’y anak nila ni Sarah Lahbati ay sapat na ang mga sagot ng aktor na in time ay sasagutin niya lahat-lahat ng tanong at huwag muna ngayon dahil may kinakaharap na problema ang aktres sa GMA-7.

Samantala, naikuwento rin sa amin na sa tuwing may meeting ang Showbiz Police staff ay dumadalo pala si Raymond at nagsa-suggest siya kung anong maganda para sa programa nila, kung anong hot topics na pinag-uusapan ngayon at kung sinong mga celebrity ang puwede niyang imbitahan para mag-guest sa show nila.

‘Yan ang maganda, may malasakit sa programa bagay na malayo sa ate Ruffa niya noon sa Paparazzi na darating lang sa programa sampu o limang minuto na lang bago umere at saka aligagang babasahin ang studio script kaya ang ending, nagba-buckle ang TV host/actress.

Maayos din ang panayam ni ‘Nay Cristy Fermin kina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid sa segment niyang Cornered by Cristy na hindi na namin hinanapan ng mainit na isyu dahil ayaw din sigurong magsalita ni Mega ng tungkol sa pork barrel scam bilang asawa ng senador at ni Ogie na wala rin namang isyu ngayon, kaya ang ending promo ng programa na lang na The Mega and The Songwriter na nag-pilot na rin noong Linggo, Setyembre 15.

Maganda ang pilot episode ng Showbiz Police kaya sana magtuloy-tuloy ito at binabati namin ang bumubuo ng nasabing programa kasama na ang hosts nilang sina Direk Joey Reyes, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, at ‘Nay Cristy.

Radha at Morissette, malaki ang bentahe para maging winner sa The Voice PH

ANG ganda ng performance ng natitirang walong contestants ng The Voice of the Philippines na sina Mitoy/Radha (team Leah Salonga); Thor/Janice (team Apl de Ap); Paolo/Myk (team Bamboo); at Klarisse/Morissette (team Sarah Geronimo) sa ginanap na presscon noong Miyerkoles sa Dolphy Theater.

Hindi kami na-impress kina Paolo at Myk dahil ‘yung style nila ay hindi naman naiiba kina Paolo Santos, Jimmy Bondoc, Noel Cabangon at iba pang naggi-gitara. ‘Yung sinasabing guwapo na si Pao ay may katulad na siya sa estilo ng pagkanta, si Markki Stroem na produkto ng Pilipinas Got Talent at kung looks ang pag-uusapan, eh, mas hamak na mas guwapo talaga si Markki, ‘di ba ateng Maricris?

Kaya kung kami ang tatanungin, mas gusto pa rin namin ang isa kina Mitoy/Radha, Thor/Janice, at Klarisse/Morissette ang mag-uwi ng titulo ng The Voice of the Philippines.

Pero mas type kasi namin na babae ang manalo, isa kina Radha at Morissette.

Bakit si Radha? Kasi lahat ng genre kaya niya, she can sing, ballad, jazz, rock, at bumibirit pa plus she has the looks at malaking advantage rin na marami siyang kakilala sa music industry since rati siyang miyembro ng Kulay Band.

Bata naman ang bentahe ni Morissette bukod sa maganda at marunong sumayaw ay umaarte rin siya at napasama na siya sa stage show na Camp Rock at bukod pa sa kahawig niya si Sarah Geronimo ay suportado rin siya ng fans ng Popstar. Ang maganda sa batang ito, napakabait, magalang, at palabati maski na noong nasa TV5 pa siya at hindi nakalilimot hanggang ngayon. (Magaling din siyang sumagot, in fairness—ED).

Matunog din ang pangalan ni Klarisse dahil soulful daw ang boses niya na hindi tulad nina Morissette, Janice, at Radha na bumibirit. Oo naman, maganda talaga ang boses niya, pero para sa amin wala kaming nakikitang kakaiba para sumikat siya.

Hindi namin personal na kilala si Mitoy pero nagagalingan kami sa kanya at totoo naman ang sinabi niya, siya ang pinaka-matanda sa lahat, pinaka-eksperyensiyado at may regular gig sa Resorts World na nagma-manage rin sa kanya at kilala na ang banda niyang Drayber. Siguro aminin natin, malaking advantage pa rin ang looks kapag ibinenta mo sa shows.

Sobrang powerful ang boses ni Janice, at talagang napapailing kami kapag kumakanta siya dahil magaling talaga bukod pa sa well-travelled na siya, sabi nga niya, halos lahat ng supporters niya ay nasa ibang bansa kaya’t nagpapasalamat siya na may online voting. Pero aminin natin, ang pisikal na anyo ng dalaga ang una mong mapapansin kapag kumakanta at limitado lang ang galaw niya sa entablado at hindi mo mapasayaw o mapayugyog sa mabilis na awitin, unlike kina Radha at Morissette na talagang humahataw sa entablado.

Lastly, hindi kami magkakilala ni Thor, pero kilala namin ang management agency niyang Cornerstone, okay ang boses niya at kapag nakapikit kami ay parang si James Ingram ang naririnig naming kumakanta at paborito namin ang foreign singer.

Masyadong mahiyain si Thor kaya siguro hindi siya sumikat noong nagkaroon siya ng album at aminado naman siya rito, kung siya ang mananalo, isa na rin ba siya sa mapapanood sa ASAP linggo-linggo? Makiki-jamming na rin ba siya sa The Champions, paano siya maiiba kay Erik Santos na halos pareho ang timbre ng boses nila? Kina Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy? At aminin natin, hindi naman siya kaguwapuhan para kung hindi siya sumikat bilang singer ay puwede siyang isabak sa acting.

Pero sabi nga, ang suwerte ay hindi mo masasabi kung sino ang dadapuan nito.

Kaya abangan ang huling dalawang linggo ng The Voice, apat na Live Shows simula sa Setyembre 21, 22, 28, at ang grand finals sa Setyembre 29. Makakaboto na rin ang taumbayan sa Live Shows tuwing Sabado.

Samantala, ngayong Sabado (Sept 21) at Linggo (Sept 22), paghaharapin na ang dalawang artists ng teams nina Apl, Sarah, Bamboo, at Lea upang makuha ang top 4 artists na maglalaban-laban sa titulong The Voice of the Philippines.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Vilma Santos Ed de Leon

Ate Vi dinalaw puntod ni Kuya Ed de Leon

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAG-IISA ka talaga ate Vi, ang ating minamahal na Star For …

Cristy Fermin Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Cristy kinuwestiyon si direk Darryl Yap; respeto sa kapwa iginiit

KONTRA si Cristy Fermin sa pagsasapelikula ni Darryl Yap ng The Rapists of Pepsi Paloma. Ang dahilan, tila gusto raw …

Dina Bonnevie Deogracias Victor DV Savellano

Asawa ni Dina na si DA Usec Victor pumanaw sa edad 65

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina …

Piolo Pascual Toni Gonzaga Toni Talks

Piolo Pascual 13 years nang single, ‘di naghahanap ng dyowa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio LABINGTATLONG TAON na palang walang dyowa si Piolo Pascual. Ito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *