Monday , December 23 2024
Chavit Singson Sulvec Greece Resort

Resort ni Chavit ipinagamit ng libre sa Ang Probinsyano

ni MARICRIS VALDEZ

NAKABIBILIB ang kagandahang loob ni dating Ilocos Governor at Narvacan Mayor Chavit Singson dahil iniaalok niya ang kanyang ipinagawang seven hectare resort, ang Sulvec Greece para maging lokasyon ng taping o shooting sa mga produksiyon/ TV network ng libre.

Nauna nang naging ‘tahanan’ ng ilang buwan ang Sulvec Greece ng action series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ani Gov. Chavit nang makahuntahan namin ito isang gabi nang maimbitahan kami sa nasabing lugar, hindi siya nagdalawang-isip na ipagamit sa  produksiyon ng Ang Probinsyano ang kanyang multi-million peso-property sa Ilocos dahil nais niyang makatulong sa entertainment industry, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Aniya hindi niya pinabayaran sa ABS-CBN ang paggamit ng kanyang napakalawak na mansiyon. At kahit ang ibang production na nagsu-shooting doon ay libre rin.

“Basta ang sa akin lang makatulong tayo, and ma-boost ‘yung tourism sa Pilipinas. Hindi naman laging pera-pera lang.

“And pandemic din kasi noong magsimula silang mag-shooting dito, naka-lock in sila kaya tulong na rin natin,” kuwento ni Gov. Chavit.

Open ang lahat. Private lang…walang bayad. Hanggang matapos, hanggang mamatay lahat niyong…ang dami nang pinatay dito eh,” nangingiting sabi ng dating gobernador patungkol sa serye ni Coco.

Actually, lahat naman like friends, si Fernando Poe noong buhay pa, buwan din tumira rito sa Baluerte siya nag-aano. Rito nag-25th anniversary si Fernando Poe. So, lahat ng mga artista na pumupunta, libre, walang bayad. ‘Yung animal, ‘yung zoo, 25 years, walang bayad. Walang entrance. Animal show, three times, four times a day, libre lahat. 

“Pati nga iyong dancing fountain sa Vigan, makulay at hi-tech, libre rin iyon sa lahat. Ginawa ko ‘yon 10 years ago. Binago na lang ngayon dahil siyempre nag-a-update na,” sabi pa ng mayor.

Napag-alaman namin sa dating gobernador na naitayo niya ang Sulvec Greece noong lockdown, kasagsagan ng Covid dahil na-bored siya. 

Mahigit sa 300 katao ang nagtulong-tulong gumawa ng resort. Ang main house ay may limang kuwarto at nabuo iyon sa loob ng mahigit pitong buwan. Inspired ang design ng Sulvec sa mga biyahe niya abroad.

Sinabi ni Gov. Singson na binantayan niya talaga ang paggawa ng Sulvec. “Walang magaw eh noong lockdown.” 

Bukod sa main house, may twin villas, ang isang villa ay may six bedrooms ganoon din iyong isang villa. Mayroon ding villa para sa mga piloto na may nakadisenyong bumagsak na eroplano sa bubong at mayroon ding villa para sa mga stewardess.

Mayroon ding chapel at maliliit na parang kuweba by the sea, gym, at swimming pool ang nasabing lugar. At sisimulan na rin anytime ang pagsasagawa ng helipad na posibleng matapos next month. 

Kaya naman mas mapapadali na ang pagpunta ni Singson sa Sulvec na hindi na dadaan pa ng Vigan.

Tatayuan din nito ang naturang lugar ng events center at altar para sa mga nagbabalak magpakasal. 

Ako riyan pakakasal. Naghahanap pa, ha ha ha,” sambit ng politiko. 

Nang matanong kung mayroon na ba siyang ihaharap sa dambana, ang sagot ni Singson, “naghahanap pa, gusto ko iyong maganda ang puso.”

Hindi lang ang Sulvec Greece ang magandang puntahan sa Ilocos, maging ang Baluarte Resort and Mini Zoo. Kahanga-hanga rin ang laki at gaganda ng mga villa sa Safari Hotels and Villas na tamang-tama sa pamilya. 

Hindi biro ang laki ng ginastos ni dating gov. Singson sa mga pasyalan at resort na ito pero katwiran niya, “‘di ko naman madala, eh. Mabubulok lang. ‘Yung iba, pinag-aawayan. Ang daming kasong ganyan, pinag-aawayan. So, ako, ginagastos ko lahat. And enjoy life because life is too short. Enjoy while you can.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …